CHAPTER 11

1076 Words
MI VIDA POV SINUNDAN NAMIN ni Solex ang aking asawa gamit ang kanyang sasakyan habang kasunod naman namin ang iba pang tauhan. Sa isang Axes restoclub ito pumasok, dito sa may Boulevard kasama ng kanyang barkada at ng matagal na niyang babae na si Beatres. Nakakaramdam ako ng inis na ngayon ko lamang naramdaman sa talambuhay ko dahil sa pagkapulupot ng babaeng yun sa asawa ko. Para siyang dikya na akala mo ay wala ng lalaki sa paligid at itong asawa ko ang dinikitan at ang lalaki naman ay walang pakialam. May balita pa akong narinig at kailangan ko ng confirmation about dito. Kababalik lang namin mula sa Japan ni Papa. Masyado akong naging abala kung kayat halos apat na buwan rin kami ni papa na nasa misyon. Naisang tabi ko ang pagkamiss ko kay Gan dahil mahalaga sakin ang misyong ito. Mula kasi ng ipinagkaloob ko sa asawa ko ang karapatan niya ay halos may nabuo na saking puso na ikinababahala ko. Kaya naman mas lalo ko itong iwinaksi at ipinukos ang sarili ko sa taong dahilan ng pagkamatay ng aking magulang. Halos tatlong buwan kaming nasa mount fugi ng japan at nakakalabas lamang ng bundok kung may sinusundan at kinailangan namin na walang dalang anumang electronic device dahil sa masyadong hightech ang lugar na aming sinusubaybayan. Madedetect kami ng mga ito kung hindi kami mag-iingat. Napakalawak ng area nila rito na mahigit limampung ektarya ang pinalilibutan ng napakataas na pader. Dito isinasagawa ang mga pagsasanay ng mga tauhan sa mafia zyber. Nagpanggap kami ni papa na trainee sa loob ng dalawang buwan kasama ang tatlo pa naming tauhan mula sa organisasyon ng aking ina. Isang school ng ninja skills sa gitna ng kagubatan ang training camp ng zyber mafia. Ang sadya namin dito ay si Morinaga Yatsu, ang kanang kamay ni Troy Merced na siyang leader ng zyber. Dito ko nalaman na matagal na nila akong pinaghahanap at tama ang aking hinala na sila ang nagtatangka sa buhay ng aking asawa. At hindi mawala ang huli nitong sinabi bago kami malagay sa alanganin. "Mi Vida ōjo wa, kodomo o umu mae ni korosa reru hitsuyō ga arimasu. Tokuni, Sy-shi to issho ni otokonoko o shussan suru baai wa sōdesu. Kore wa watashitachi no rīdā ni totte ōkina shōgai to narudeshou." (Kailangan ng patayin si prinsesa Mi Vida bago pa ito magkaroon ng anak, lalo na kung ito ay magsilang ng lalaki kay ginoong sy. Magiging malaking hadlang ito sa ating pinuno. ) Paulit ulit itong umeecho sa utak ko. Binanggit rin nito si King Charles Martinez the forth ng France. And that name at mas lalo akong naging interesado sa kung ano ang mayroon sa buhay ko. Ang dahilan kung bakit ako hinahabol ng mga yakusa sa katauhan ko ngayon ay dahil napatay ko ang anak ni Morinaga. Namukhaan nila ako kung kaya't kailangan ko ng ibayong pag-iingat. Mukha ng lalaki ang nakikita nila sakin dahil narin sa pekeng bigote ko ay iilang pinong buhok sa baba ko. Sa tingin ko ay para akong pinaghalong koreano at french sa mukha kong panlalaki kung kayat kahit napakaseryuso ang mukha ko ay marami paring nahuhumaling na sundan ako ng tingin ngunit walang nagtatangkang lumapit dahil sa malamig ang aking mga mata at walang buhay. Kasalukuyan na kaming na loob ng club sa second floor ng makarecieve ako ng mensahe kay Darwin isa sa mga tauhan ni papa. Nasa labas ito upang iabot lamang sakin ang susi ng aking highmotor bike kung kayat nagpaalam ako kay Solex na bababa lamang ako saglit at matahan Gan. Hindi rin ito maaaring makita ni Gan sa loob dahil baka niya makilala si Darwin. "f**k! Di ko inaasahan na sinundan pala ako ng lalaking ito kung kaya nakipagtitigan na lamang ako. Gusto ko siyang yakapin ngunit may Beatres sa taas na nagpapalakas sakin at may sumasagi pa saking isipan. Habang papalapit ako ay napansin kong may laser na nakatutok sa puso nito. Agad na nakuha ni Jovan Bautista ang senyas ng aking mata, isa sa assasin kong kasama kung kayat mabilis niya itong sinipa mula sa likuran at ako naman ay tinabig ko siya kung kayat ang braso ko ang tinamaan ng bala. Mabilis akong kumilos at ang itim na van ang nakatawag sakin ng pansin. Si Gan ang pakay nila. Hindi ko ininda ang sakit na dulot ng tama ko. Dali dali akong sumakay sa aking big motorbike at sinundan ng palihim ang itim na van. Di ko na kailangan pang alalayan si Gan dahil si papa na ang bahala dito. Nakarating kami sa isang liblib na lugar at magubat ng makapasok kami sa entrada hacienda de quezon. Pumasok ang van nila sa isang abandunadong gusali. Maya maya lamang ng makababa ako sa aking sasakyan sampung metro ang layo sa gate ay umakyat ako sa puno at minasdan ang paligid at mapapansin ang lagusan sa ilalim ng lupa na bumukas at sumara rin matapos pumasok ang itim na van. Maraming tauhan na nakakalat na hindi mo mapapansin. Nagvibrate ang phone ko at si Solex ang tumatawag, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at sinabi ko na lamang ang aking kinaroroonan. Maya maya lang din ay si papa naman ang tumawag. Labis itong nag-aalala dahil alam nitong tinamaan ako. Nagalit pa ito ng sinabi kong sinundan ko ang mga Yakuza. At mula sa kinalalagyan ko ay naramdaman ko ang papalapit na pana kung kayat mabilis akong umiwas ng ulo na siyang pagdaan ng isang pana na sinundan pa ng sunod sunod na mga pana. Agad na naglambitin sa puno at tumalon. Sunod sunod na shakoren ang humahabol sakin at nagtagumpay silang makapasok ako sa loob ng intrada ng building. "Dael dō yatte! ? Anata wa jibun ga shinikakete iru hitoda to omotte imashita! Chīto o korose!" gulat ngunit nakabawing wika ng isa sa nakakakilala sakin. (Dael papaanong!? akalain mo nga namang ikaw pa ang lalapit sa kamatayan mo! Patayin ang impostor! ) Hindi na ako nakasagot dahil sabay sabay na sumugod sakin ang mga tauhan nito. Ang kasanayan nila sa pagiging ninja ang nagbibigay salin ng hirap sa pakikipaglaban. Kahit bihasa ako sa paggamit ng katana ay nahihirapan parin ako dahil sa hindi ko maigalaw ng maayos ang aking isang balikat. Marami naring nawalang dugo sakin at nahihilo na ako. Hanggang sa lumipas na ang mga minuto at laking pasasalamat ko't magkasunod na dumating si Solex at si papa. Nagpatuloy pa ang laban hanggang sa hindi ko na kinaya pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD