GAN POV LAKAD TAKBO NA ANG AKING GINAGAWA. Inikot ko na ang buong mansion na kahit kuwarto ng mga helper ay hindi ko na pinatawad. Lahat ng kwarto ay hinalughod ko pero walang Mi Vida. Wala ang aking asawa. Wala kahit ni sino man. "Fuckkkk!!!!! Nananaginip lang ba ako? Shhhhiiit!!! " Kinakausap ko na ang aking sarili at pinaghahampas ko ang aking mukha. Nakakaramdam ako ng sakit. Nararamdaman ko ang pagtusok ng mga damo sa aking talampakan. Nararamdaman ko ang lamig na dala ng hangin. "Oooohhhh fuckkkk!!!! Asan sila!?" muli kong usal. Ramdam na ramdam ko ang bawat kabog ng aking puso. Ang takot na bumabalot sakin ang naghahatid ng panlalambot ng aking mga tuhod. Narito parin ako sa mansion at nasisigurado ko yun. Wala pa ako sa France! Pagkagising ko, akala ko.... Akala

