Mabilis na nilagok ni Gan ang huling dalmore 64 trinitas na kanyang inorder at agad na itong tumayo. Nakakailang hakbang pa lamang siya ng biglang umikot ang kanyang paningin. Siya na si Gan Sy na walang prosthetic sa mukha. Nahagip pa niya ang mga naglalaban sa kanyang harapan. "f**k!!! " sambit ni Gan. Agad na sinambot siya ni George ng malapit na itong masubsub sa sahig habang may mga kabataan na nagwawala sa kanilang harapan. Ito ay dalawang grupo ng kabataang gang na nagpang-abot sa loob ng bar. Muntik pa silang matamaan ng bangkong ibinalibag ng isang grupo ngunit naging maagap si Vida kung kayat sinipa niya ang papalapit na bangko pabalik at tumama ito sa isang tao ng kabilang grupo. Napagkamalan na tuloy siya nakagrupo ng kanilang kaaway kung kaya't siya na ngayon ang pina

