-- HI READER UNEDITED PO LAHAT NG CHAPTER KAYA SA MGA NAGTYATYAGA MAGBASA, THANK YOU :)-- Nakarating kay Troy Merced ang balitang nakapasok ng palasyo si Gan Sy kasama ang abogado nito. Kasalukuyan siya ngayong nasa Argentina dahil sa di inaasahang natuntun ng kawani ng palasyo ang kanyang lungga sa Spain. At tulad lamang ito ng dati na palipat lipat siya ng tinutuluyan upang makatakas. Nilalaro niya ang bolang itim sa kanyang kamay at malalim ang kanyang iniisip. Lumiliit ang kanyang teritoryo. Masyado ng nangingialam ang palasyo na kanyang mga negosyo. Napipilayan na ang kanyang paa dahil sa pagkatiklo ng kanyang pinagkukunan ng salapi. Bukod dito ay ang dark association na matagal na niyang gustong makuha sa pangangalaga ng mga Tiu ay binabangga rin siya. Patuloy na lumalakas

