CHAPTER TEN Ice Tsing Tamad na tamad akong naglalakad papunta sa classroom namin. Kagabi pa ako wala sa mood at sa totoo lang ay ayokong pumasok ngayon, pinilit lang ako ni Laila. Hindi pa rin mawala sa isip ko ‘yung nakita ko kahapon sa TLE Room. Sina Ryan at Lifli… s**t! Hindi ko magawang isipin kung anuman ang ginagawa nila noong mga oras na ‘yon. Bigla na lang akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib kahapon no’ng makita ko sila sa ganoong posisyon. Naalala ko naman ‘yung sinabi ni Lifli na wala silang ginagawang mali. Sabihin na nga nating wala silang ginagawa, pero bakit sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t isa? Bakit parang halos halikan na siya ni Ryan? Habang paakyat ako ng hagdan ay nakarinig ako nang sigawan na parang may nag-aaway. Hindi ko na lang sana papansinin ‘yon

