CHAPTER FIVE

1765 Words
CHAPTER FIVE Lifli Lucas   “YES! YES! YES! Thank you so much, Lifli!” Niyakap ako ni Ice at isinama sa pagtalon niya. Ngayon lumabas ang resulta ng grade namin sa TLE at dahil nakapasa sa baking exam si Ice ay pumasa siya sa TLE. Kailangan niya kasing pumasa sa subject na ‘yon dahil sa lahat ng subject ay doon lang siya nagdedelikado. Architecture kasi ang kukuhanin niyang course sa college kaya kailangan talaga ay matataas ang kanyang mga grades.   It’s been two weeks mula no’ng nagsimula akong turuan si Ice na mag-bake. Hindi lang cupcake ang naituro ko sa kanya, pati ang paggawa ng cookies at cakes ay nagawa namin. No’ng mag-level up ang itinuturo ko sa kanya ay medyo nahirapan siya kaya nagtagal kami pero sa huli ay natutunan din naman niya. Three weeks na rin akong nagpapadala ng box of cupcake sa kanya at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ako ang taong ‘yon. Sabi ni Pao ay umamin na raw ako dahil sa tingin naman daw niya ay hindi magagalit si Ice pero ewan ko ba, may pakiramdam ako na hindi pa ito ang tamang oras para umamin.   “Dahil d’yan, I’ll treat you!” sabi sa akin ni Ice. “Paano naman ako?” pa-cute na tanong ni Pao. “Syempre kasama ka na ro’n.” “Eh, kami?!” tanong naman ng mga kaibigan ni Ice. “Mayaman kayo kaya bumili kayo ng inyo.” “Ice naman!!!” Natawa na lang ako dahil sa inasal nila. And yes, kilala na rin namin ang mga kaibigan ni Ice na sina John, Ryan, at Angelo. No’ng malaman nga nila na ako ang nagturo kay Ice na gumawa ng cupcake ay nagpaturo na rin sila sa akin. Kaya last week bago ang baking exam ay hindi lang isa ang tinuturuan ko, limang lalaki lang naman. Ay, bakla pala ‘yung isa. Hahahaha! “Ice, may bago bang cupcake na ipinadala si Miss Cupcake?” tanong ni Angelo. Bigla naman akong napatingin kay Pao. “Ah, meron.” Inilabas ni Ice ang isang box at binuksan ‘yon. “May dalawang cupcakes na naman na walang design. Akin ‘yon, ah!” sabay-sabay na kumuha sina John, Ryan at Angelo at pati si Pao ay nakikuha. “Ikaw, Lifli, gusto mo bang tikman?” Kumuha naman ako ng isa at hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko habang kinakain ko ‘to sa harapan ni Ice. It feels awkward… “Hindi kaya si Lifli ang nagbigay nito?” Nagulat ako sa itinanong ni Ryan at muntik pa akong mabilaukan. “P-Paano mo naman nasabi?” tanong ko. “Wala lang. Magkapareho kasi ng lasa ‘yung mga gawa niyo, pati ‘yung plating at design ay halos nagkakapareho kayo.” Kinabahan ako dahil sa sinabi ni Ryan. Pakiramdam ko ay namamawis na ako kaya tumingin ako kay Pao at humingi ng tulong sa kanya. “Baka naman nagkataon lang. Ganyan talaga ang mga magagaling, akala natin minsan magkakapareho sila pero hindi pala. Kung susuriing mabuti ay may pagkakaiba sila, parang ‘yung mga cupcake na ‘yan. Sigurado ako na may pinagkaiba ‘yan sa mga cupcake na ginagawa ni Lifli.” Thank you, Pao! “May point naman si Pao. Huwag ka na ngang magduda, Ryan. Ang mahalaga, dalawa ang taga-gawa natin ng cupcake. Taga-kain na nga lang tayo, magrereklamo pa ba tayo?” sabi naman ni John. Thank you rin sa ‘yo, John! Nakahinga ako nang maluwag no’ng nagkibit-balikat na lang si Ryan. Pagkatapos ng usapan na ‘yon ay medyo natahimik ako. Gustuhin ko mang maki-join sa kanila ay hindi ko na magawa dahil nakaramdam ako ng kakaiba kay Ryan. Sa kanilang apat kasi ay parang si Ryan ang magaling sa logic. Misteryoso pa ang pagkatao niya kahit na minsan ay puro kalokohan din. Aish! Dapat kinikilig ako ngayon dahil kasama at katabi ko si Ice pero dahil sa mga sinabi kanina ni Ryan ay na-stress ako bigla.   Nakakainis ka naman, Ryan!   ***   “Hoy, bakla! Bakit natahimik ka kanina? Nag-aalala sa ‘yo si Ice, baka hindi mo alam,” sabi sa akin ni Pao. “Bakit naman siya mag-aalala?” “Helloooo? Kaibigan ka niya, natural na mag-alala siya sa ‘yo. Bakit? Akala mo may gusto na rin siya sa ‘yo? Huwag kang assuming, Lifli Lucas.” Inirapan pa ako ni Pao. “Grabe ka naman! Masama bang mag-assume kahit minsan lang?” “Oo, dahil sa minsan na ‘yan, d’yan nagsisimula ang sakit. Anyway, bakit ka nga natahimik kanina?” Napabuntong hininga ako bago sumagot. “Si Ryan kasi, eh! Pakiramdam ko nahuhulaan na niya kung sino ‘yung nagpapadala ng cupcake kay Ice.” “Bakit kasi ayaw mo pang umamin?” “Ayoko pa, bakla. May pakiramdam ako na hindi pa ngayon ang tamang oras.” “Kailan ba ang tamang oras na ‘yan? Kapag patay ka na? Hay naku, Lifli! Hangga’t nand’yan pa sulitin mo, hindi ‘yung kung kailan wala na saka mo hahabulin.” Alam ko na darating din ‘yung araw na makakaamin ako kay Ice. Darating din ‘yon.   ***   “Sa wakas! Makakatanggap na naman tayo ng libre mula kay Ice!” sigaw nina Ryan, Angelo, at John. “Mga siraulo!” sigaw naman ni Ice sa kanila, natawa lang kami ni Pao. Nandito kami ngayon sa isang sikat na shop ng mga cake, ang Katey Cake Shop. Masasarap ang mga gawa nilang cakes dito at ang ganda ng ambiance para kumain ng dessert. Ang cute nga rin ng mga staff nila, naka-maid uniform sila at every week or month ay nagkakaroon sila ng event. Um-order na kami ng pagkain at dahil pang-apatan lang ang upuan dito ay napahiwalay kami ni Ice sa mga kaibigan namin. Solo kami sa isang mesa at nakakaramdam na naman ako ng mga paruparo sa aking tiyan. Oh my gosh! Hindi ko ‘to na-imagine noon. Ang makasama sa isang mesa si Ice at nasa isang magandang restaurant pa kami? Parang date na ang set up na ‘to, e! Emeged! Keleg mats! “Saan ka papasok ng college?” tanong sa akin ni Ice habang hinihintay ang aming order. “Hindi pa ako sigurado, eh. Pero baka sa Stanel State University, ikaw ba?” “Talaga?! Doon din ako papasok kung sakaling makakapasa ako. Wow! Sana maging schoolmates ulit tayo. Gusto ulit kitang maging schoolmate.” Namula naman ako dahil sa sinabi niya. “Bakit mo naman ako gustong maging schoolmate?” “Bakit? Masama ba?” Tumingin sa akin si Ice at nagtama ang mga paningin namin. Mas dumami yata ang paruparo sa aking tiyan. At para bang may isinasalin siyang kuryente sa katawan ko habang nakatitig siya sa akin. Shet! Shet! Malalagyan ko na ba ng icing ang pangalawang cupcake?   “Here’s your order, Ma’am, Sir.” Nawala ang titigan portion namin ni Ice dahil sa waiter na dumating. Kainis ka naman, Ate! Dapat tinagalan mo pa pero nagpapasalamat na rin ako sa pagdating niya. Kung hindi kasi siya dumating ay baka natunaw na ako dahil sa titig ni Ice. Emeged!   Ang sarap talaga ng pagkain dito sa Katey Cake Shop. Pero ang nakakadagdag talaga ng sarap sa pagkain ko ay ang pakiramdam na kasama ko si Ice sa iisang mesa. “Ang sarap, ‘no? Halatang professionals ang mga gumawa,” sabi ni Ice at dahil abala ako sa pagtitig sa kanya ay napatango na lang ako. “Gustung-gusto ko ‘tong key lime nila. Ikaw, Lifli, ano’ng nagustuhan mo?” “Ikaw.” “Ha?” Nagising naman ako bigla dahil sa isinagot ko. “A-Ah! Sabi ko ‘yung key lime rin ang nagustuhan ko,” tumangu-tango naman siya. Wew! Muntik ka na ro’n, Lifli! Napakanta naman ako dahil sa tumutugtog na kanta sa loob ng shop. Paborito ko kasi si Kim Chui.   ♫ Ikaw nga ba si Mr. Right? Ikaw nga ba’ng love of my life? Ikaw nga ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko? ♫   “Isang kanta na ginawa para sa mga naghahanap kay Mr. Right.” Napatingin ako kay Ice nang magsalita siya at nakita kong nakangiti siya. Ano kayang iniisip niya? Ako na lang ang isipin mo, Ice, mai-in love ka pa! “Ikaw, Lifli, nakita mo na ba si Mr. Right?” Hindi ko inaasahan ang tanong na ‘yon pero mabuti na lang at nakaisip ako agad ng sagot. “Hindi ko alam kung ‘yung lalaking nagpapasaya sa akin ngayon ay si Mr. Right na, pero siya man si Mr. Right o hindi, okay lang. Basta ang mahalaga ay mahal ko siya.”   ♫ Ikaw nga ba si Mr. Right? (Mr. Right) Ikaw nga ba’ng love of my life? (Of my life?) Ikaw nga ba magbabalik ngiti sa ‘king mga mata. ♫   “Ang swerte ng lalaking magiging boyfriend o asawa mo, laging may cupcake!” sabi ni Ice at natawa kaming pareho dahil do’n. “Sana ako na lang ang Mr. Right mo.”   ♫ Si Mr. Right ka ba? Mr. Right na ba? Mr. Right ka ba? ♫   “H-Ha?” napanganga ako dahil sa narinig ko mula kay Ice. Tama ba ang pagkakarinig ko? Sana siya na lang daw ang Mr. Right ko? Hiling ko rin ‘yan, Ice. Tara, sabay tayong humiling, baka mas pakinggan tayo ni Lord. “Wala! Sabi ko sana ako na lang si Mr. Right mo para lagi akong may cupcake.” So dahil lang sa cupcake? Nalungkot naman ako bigla ro’n. “A-Ah! Hahahaha! Don’t worry, kahit hindi ikaw ang Mr. Right ko pwede pa rin naman kitang igawa ng cupcake. Eh, ikaw ba, nakita mo na ba si Ms. Right mo?” “Not yet, at ayoko muna siyang makita ngayon.” “Bakit naman?” Tumingin siya sa aking mga mata bago sumagot. “Baka kasi mapakawalan ko lang siya dahil may ibang babaeng nilalaman ang puso ko ngayon.” Bumilis ang t***k nang puso ko dahil sa sinabi niya. Ano ‘yon? May ibig bang sabihin ang pagbilis nang t***k ng aking puso? At bakit nakatitig siya sa mga mata ko habang sinasabi niya ang mga salitang ‘yon?   Oh my Ice Tsing… Sana ikaw na lang ang Mr. Right ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD