Mabilis ang isang linggo at ngayon ay andito na sila sa airport ng Pilipinas. Matapos makilala ni Samantha ang tunay niyang mga magulang, ay lumipad agad sila patungong ibang bansa. Ngayon lang ulit niya nasilayan ang Pilipinas makalipas ng ilang taon. Umuuwi man ang kanyang mga magulang at si Simoun, pero hindi na sila isinasama ng mga ito, pauwi. "Papa Ti, why so hot there in the Philippines? I thought summer is nice. But why too hot?" Nakangusong tanong ni Samuel kay Simoun habang buhat-buhat niya ito. "Philippines is a tropical country baby, that's why, summer is hot. Because of hot summer, many people there going to beach. And we're going to DWM Resorts to relax and have a vacation. Sounds good, right buddy?" Masiglang sagot ni Simoun kay Samuel at nakipag high-five pa. Samantalang

