Bawat araw na lumilipas ay mas lalong nagpapasakit sa puso ni Samantha. Andyan yong makikita niya ang pagiging sweet ni Jeana at Dark sa isa't isa. Tuwing lalapit siya kay Dark para asikasuhin ito ay palagi lang siyang sinusungitan nito. "Sir Dark magandang umaga." Nakangiting bati ni Samantha. "Good morning." Walang kabuhay-buhay na tugon nito. "Coffee?" Masiglang tanong pa rin ni Samantha kahit walang pakialam si Dark. "Kaya ko ang sarili ko, madami namang gawain dito sa bahay doon ka na." Mariing tugon nito na may halong inis. "Ano bang gusto mong breakfast, magluluto ako." Pangungulit pa ni Samantha na halos ilapit niya ang sarili kay Dark. Gustong-gusto niyang maamoy ang natural na bango ni Dark. Gawa siguro ng pagbubuntis niya. Pero wala pang ilang segundo ay tinabig siya nito

