Chapter 63 CLAIRE POV “Alright, it’s me.” Parang tumigil ang mundo ko sa narinig ko. Si Jun? Siya talaga? Hindi ko maipaliwanag ang sakit na bumalot sa dibdib ko, na parang lahat ng tiwala ko sa kanya ay biglang naglaho. All gone. Pakiramdam ko, hindi ako makahinga. I was betrayed, stabbed at the very core of my heart. “Talaga, Jun?” bulong ko, halos hindi marinig ang boses ko. “Paano mo nagawang itago sa akin ‘to? Paano mo nagawang saktan ako nang ganito?” Hindi talaga ma-proseso ng utak ko kung paano siya naka-lusot sa akin. Palagi naman kami magkasama. Sa pag tulog lang hindi. Does it mean, pumupuslit pa siya sa gabi kapag mahimbing na ang tulog ko? Hindi siya makatingin nang diretso sa akin, hindi ko mabasa ang nilalaman ng kanyang mga tingin. Bakit parang naaawa ako?. “Claire, i

