Chapter 57 JUN POV “Yeah, why not, Claire. Magandang surprise ‘yan sa’kin at sa lahat.” “Yeah. That’s a nice idea. Nakaka-excite.” Nang makita namin ni Jin at Claire ang nakapaskil sa bulletin board ay napatigil kami. Itinuro ni Claire sa amin ni Jin ang nakalagay. Gaudin University Pageant Ito raw ang supresa niya sa akin. University pageant? Hindi ko napigilang mapangiti. Pero nang tanungin ko siya tungkol dito, agad kong napansin ang pag-aalinlangan sa mukha niya. Biglang nagbago ang isip. I have to encourage her more. “Yeah, bagay sa’yo. For sure panalo ka na. I can’t wait to see you shine in front of the crowd.” “Jun, joke lang. Hindi ko pala kaya. Iba na lang surprise ko,” sabi niya. Nalungkot naman ako. Alam kong kaya niya. Pati nga si Jin ay gusto rin siyang makita sa

