Kunot ang noo niya. "Magkano naman iyon? Hindi mo naman siguro ako ilulubog sa utang dahil wala akong maraming pera." sabi niya kay Marcus. Marcus just snorted. Itinaas ang kamay nito at saka ibinuka ang palad. "Limang daang libo? Napakamahal naman." nanlaki ang mga mata niya sa kabayaran ng singsing nito. Alam naman ni Isabella na hindi iyon basta ordinaryong singsing kaya alam niyang mahal ang halaga nun, ngunit hindi naman niya akalain na ganun kalaki ang hihingin na kabayaran ni Marcus sa kanya. "Ano? Hindi mo kayang bayaran? Okay, kung ganun ay magiging asawa na lang kita," may ngisi sa labing sabi ni Marcus sa kanya. Mas lumalim ang gitla ng noo ni Isabella at hindi maiwasang hindi siya maasar lalo dito. "In your dreams. Mas pipiliin kong ibalik sayo ang bayad ng singsing mo k

