"Sino ka bang pakialamero ka!" galit na galit na sigaw ng lalaki at nakawala sa pagkakahawak sa mga tauhan ni Marcus. Sa pagkabitiw ng mga tauhan ni Marcus dito ay muli itong napaupo sa semento. "Baka hindi mo kilala kung sino ang kinakalaban mo?" dagdag pa nito na pilit tumayo mula sa pagkakasadlak sa semento. Bumaling si Marcus sa lalaki, binitawan si Isabella at tuluyang hinarap ang lalaki. Seryoso, madilim ang mga matang nakatingin dito na kahit na sino ay walang gugustuhing matingnan ng mga matang iyon. "Nagkakamali ka ng taong kinakalaban, humanda ka. Pagbabayarin kita. Ipapadila ko sayo ang sapatos ko kabayaran ng kapangahasan mo!" patuloy sa pagsigaw sa galit ang lalaki. Handa ng tumayo ngunit hindi na nito naituloy ang pagtayo ng umangat ang paa ni Marcus, iniapak ang paa sa

