#4:

1483 Words
“Issay! Ang mga balita tungkol sa Carlo na iyon ay naalis na at napalitan ng bago.” pagbabalita ni Maureen sa kanya kinaumagahan. Paalis na siya para pumasok sa trabaho ng magchat ito at magbalita ng bago. Nakangiti siyang binabasa ang chat ng kanyang kaibigan. “At inamin ng ibang reporter na nagkamali sila ng taong nakita, at pinagkamalang si Carlo.” At sa ipinasa nitong litrato ay nandoon ang larawan ng lalaking napagkamalan niyang male model. “Hmm.” Hindi na niya inabala ang sariling magreply sa chat ng kanyang kaibigan, bagkus inilabas niya ang eye drops at nilagyan ang kanyang mata. Saka niya kinuha ang maliit na salamin sa bag at tingnan kung kapani paniwala na umiyak nga siya. Humugot siya ng malalim na paghinga saka siya nagpatuloy sa pag alis. ….. Pagpasok niya sa mansyon ng mga Tuazon ay agad niyang namataan si Carlo na nakaupo at naghihintay sa kanya. Papasok na sana siya sa kanyang trabaho ng makatanggap siya ng tawag mula sa mama nito na pinapapunta nga siya sa mansyon ng mga ito. Humakbang na siyang palapit, saka umupo sa kabilang upuan sa tapat nito. Umangat ang mukha ni Carlo at tumingin sa kanya. “Isabella, kung hindi dahil sa katotohanan na mahal na mahal mo ako, hindi ako papayag na magpakasal sayo.” may panunumbat sa tono na sabi nito sa kanya. “Uh!” tahimik at tanging iyon ang naisagot niya. “Yow! Nandito ka na pala, Isabella.” “Uhm.” tugon niya ng sa paglingon niya ay ang mama ni Carlo. Kahit na ayaw niya ay napilitan siyang ngumiti. Umupo ito sa tabi ni Carlo. “Naibabalita na lihim na nakikipagkita si Carlo sa ibang mga babae. Alam kong mahirap iyon para sayo pero tinulungan mo pa rin si Carlo na linisin ang gusot na ginawa niya.” sabi ng mama ni Carlo sa kanya sabay labas ng card at ibinigay sa kanya. “Tanggapin mo ito, it’s just a small amount for a pocket money. Take it and buy something.” “Tita..” hinarang niya ang kamay at wala siyang balak tanggapin ang perang binibigay nito. “Fiance ko si Carlo, at responsibilidad ko na tulungan siya. Kaya hindi ko matatanggap ang perang binibigay niyo sa akin.” pagtanggi niya at sa harap nila ay para siyang masunuring tupa. “Silly girl.” tinapik naman ng mama ni Carlo ang kamay niya. “Ito ang kabayaran sa pagtulong mo sa kanya at deserve mo ito.” sabi naman ng mama nito saka nito inilagay iyon sa mga palad niya. “Huwag kang mag alala, pinagalitan at pinagsabihan ko na si Carlo sa mga ginawa niya.” saka nito sinabayan ng paghampas sa balikat ni Carlo. “Sinabihan ko na rin siya na humingi ng tawad sayo.” Napatingin sa kanya si Carlo. Matalim ang mga mga mata nitong nakatingin sa kanya. Nabawi niya ang tingin niya kay Carlo at bumaling sa mama nito. “Tita…” panimula niya. “Kung hindi talaga tanggap ni Carlo ang kasal namin, pwede akong umatras at palayain siya.” Dahil sa sinabi niya at marahas na bamaling ang mama nito at hinampas ulit ito sa balikat. “Tignan mo. Tignan mo. Dahil sa ginawa mo magpaparaya si Isabella. Alam mong mahal na mahal ka ni Isabella at hindi mo kayang pahalagahan ang nararamdaman niya.” panenermon ng mama nito. “Sinasabi ko sayo, kung hindi ka makikipaghiwalay sa babaeng iyon sasabihan ko ang lolo na na ibigay na lang ang mana mo sa iba.” pagbabanta pa nito kay Carlo sabay hampas ulit sa balikat nito. “Mama!” naiinis na ibinaba ni Carlo ang hawak na kopeta ng alak. “Alam mo nang pagbantaan ako, mama. Sinabi ko naman sa inyo na hihingi nga ako ng tawad sa kanya.” kunot ang noo ni Carlo sa sagot sa mama nito. Sa sinabi nito ay nakangiti na muling bumaling ang mama nito sa kanya. “Isabella, since you love Carlo, lagi mo na lang siyang pagpasensyahan, diba?” “Ito ang gusto niyong gawin ko para lang sa pagmamahal sa walang kwenta niyong anak?” sa isip ni Isabella na hindi naman niya maisatinig. Tahimik lang siyang nakatingin sa mama ni Carlo. “Ang palagi siyang pagpasensyahan at patawarin kahit na niloloko na niya ako, Huh! Well, sige lang.” “Carlo, go. Dalhin mo si Isabella sa taas at doon ka humingi ng tawad sa kanya.” muli ay pagbaling ng mama nito kay Carlo. Matalim ang tingin ni Carlo sa kanya na hindi naman napansin ng mama nito. Habang siya ay sinalubong ang tingin na iyon ni Carlo sa kanya. “Ang pangunahing kailangan para maging isang tagapagmana ng Tuazon ay may stable na kasal. Kaya gustong mapanatili ni Mrs. Tuazon ang relasyon namin ng anak nito para mamanahin nito. At ng malaman nitong mahal ko si Carlo ay ayaw na nito akong umalis. Pero nagkamali siya. Dahil kahit kailan ay hindi ko minahal ang anak nito.” sa isip ni Isabella habang nakikipag sukatan ng tingin kay Carlo ….. Sumunod si Isabella kay Carlo paakyat at humantong sila sa sala sa ikalawang palapag ng mansyon nila. Agad itong umupo sa pahabang sofa. Itinaas ang mga braso sa sandalan ng upuan saka tumingin sa kanya. “Sinabi ko sayo ng malinaw sa simula pa lang, Isabella. Ang kailangan ko ang ay isang mabait na fiance sa iyong katauhan. At hahayaan kitang sumunod sunod sa akin at hindi kita tratratuhin ng hindi maganda in terms of money kaya alam mo kung saan ka lulugar.” panunumbat ni Carlo sa kanya ng tumigil siya isang diba ang layo nito sa kanya. “Uhm” maikli niyang tugon na sinabayan ng pagtango. “Ngunit huwag mong iisipin na maiinlove ako sayo.” dagdag pa ni Carlo sa pangaral sa kanya. “Uhm.” Muli ay maikli niyang tugon kahit na gusto niyang magsuka sa taas ng kumpyansa nito sa sarili. “I know.” Ngumiti si Carlo na ang taas nga ng tiwala nito sa sarili. Taas ang noo nitong tinapunan pa siya ng tingin. “Mabuti at malinaw pa rin sayo. Well, ang performance mo ngayon ay maganda. Pwede kang humiling ng kahit na anong gusto mo ngayon, huwag mo lang hingin na mahalin kita dahil malabo ko iyang maibigay sayo. I can satisfy you. Pero kung simpleng date naman ang gusto mo ay pwede ko namang pilitin ang sarili ko na pagbigyan ka.” mahaba nitong lintaya na parang siya pa ang mabibilaukan sa pinagsasabi nito. “Hmmm, I just need money, a total of five hundred thousand. Sapat na iyon sa naitulong ko sa iyo kagabi.” taas ang isang kilay niyang sabi kay Carlo na ikinabigla nito. “What? Five hundred thousand? Are you kidding me?” nanlaki pa ang mga mata nitong inulit ang sinabi niyang kabayaran ng pagtulong niya dito. “Oo, tama ka ng narinig at hindi ako nagbibiro sa bagay na iyan. Tip iyan sa binayaran ko kagabi na manggulo at kumuha ng atensyon ng mga reporter kagabi. Kabayaran ng mga litrato na nakunan nila kagabi at total na pagkawala ng mga tsismis tungkol sayo.” mahabang sagot ni Isabella at hindi siya nag dalawang isip na isa isahin ang mga ginawa niyang pagsasakripisyo. “Tsk” naipilig ni Carlo ang ulo na napatitig kay Isabella. “Sigurado ka na pera ang kailangan mo at hindi ang kagustuhan mong ma idate kita?” “Oo naman. Sigurado na ako. At walang ibang mas magandang kabayaran sa ginawa ko maliban sa malaking halagang iyan?” “You sure?” pagdadalawang isip pa ni Carlo ngunit buo ang pasya ni Isabelle na kailangan niya ang malaking halaga na iyon. Dahil sa seryoso at nakikita ni Carlo na hindi mababago ang pasya niya ay inilabas nito ang cellphone at nag transfer nga ng five hundred thousand sa account niya, “Masyadong malaki ang hiningi mo ngayon sa akin, Isabella. Siguraduhin mo lang na hindi mo pagsisisihan na hindi mo pinili ang maka date ako.” “Uhm.” “Ito ng tandaan mo Isabella, I rather to have a dog kaysa ang mahalin ka.” gigil na gigil si Carlo dahil hindi ito makapaniwala. “Then, gusto mo bang ibili kita ng aso? magka pareha pa kung gusto mo.” Sagot naman ni Isabella na lalong ikinainis ni Carlo sa kanya. “Get out. Hindi na kita kailangan dito.” Galit na pagtataboy ni Carlo sa kanya. “Huh! Okay.” sagot niya na nakangiting tumalikod. “Ah oo nga pala, sasabihin ko pala sa mama mo na humingi ka na ng tawad sa akin. At pinatawad na kita. Okay. Bye.” nakangiti pa rin niyang sabi dito bago tuluyang bumaba ng ikalawang palapag. Narinig na lang niya ang pagmumura ni Carlo habang pababa siya ngunit wala na siyang pakialam dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD