Kinahapunan ay natuloy ang engagement party namin ni Reckson. Mabuti na lang din at nawala na ang pamamaga ng mga mata ko. I wear a simple silver dress with a high slit at my right leg. Hinayaan ko lang din nakalugay ang mahaba kong buhok at nagpahid lang nang kaunting make-up. Mabigat pa rin ang nararamdaman ko pero pinili ko pa ring ituloy ang party. Marami na rin kasi kaming na imbita. We chose the venue in one of Reckson’s hotels. Simple lang ang theme namin, silver. Halos lahat ng mga desenyo at mga kagamitan ay silver. May mga pabilog na lamesa na may nakahanda nang mga utensils. Sa gitna ng mga iyon ay mga puting bulaklak. Sa gilid ay may mga nakahandang equipments para sa sounds. Sa kabila ay ang catering na ini-hire namin. May mga palakad-lakad na service crew at may dala-dalang

