Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa bahay ni Carlo. Kasamahan ko siya sa pangingisda. Siya ang naging kaibigan ko mula noong dito na kami tumira. Ilang linggo na kaming nakatira rito at medyo naga-adjust pa rin ako. Hindi ako marunong mangisda pero natuto na lang. Mabuti na lang din at mahaba ang pasensya ng kapitan namin sa bangka kaya mabilis akong natuto. Paulit-ulit ko rin na sinabi kay Stephanie na h'wag nang papatulan si Jane. Alam ko naman na kasalanan ni Jane ang nangyari kasi si Stephanie, hindi naman siya mananakit kung hindi siya inunahan. Kaso sana nag-sorry si Stephanie para hindi na humaba pa. Ngayon, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera. Eh hanggang bukas lang ibinigay ni Kapitana. Kapag hindi raw kami magbigay ay kakasuhan si Stephanie. Napailing na lang ako.

