“Mano po, Mommy” saad ng kalalapit lang na si Phil sa kanila sabay abot ng kamay nito kay Liza. Mommy at Daddy ang gusto nilang itawag sa kanila ng bata dahil para sa kanila ay sweet ‘yon para sa kanila bilang ninong at ninang ang papel na ginagampanan sa buhay nito. Nagmano ang bata sa mga ito habang nakasunod naman dito ang mga mata ng dalawang bisita na para bang namangha at hindi makapaniwala sa nakita. “Ito na ba si Phil?” hindi makapaniwalang tanong ni Liza habang nakahawak siya sa munting kamay ng kanyang inaanak. Kinuha kasi silang ninang at ninong ni Mia noong pinabinyagan na nila si Phil kahit sa kabila ng katotohanang hindi sila makakarating dahil sa hectic schedule na meron sila ng mga sandaling ‘yon. “Oo,” matipid na sagot ni Mia sa kaibigan. “Ang laki na, ah!” manghang n

