Walang nagawa si Mark kundi ang manahimik na lamang dahil kahit anong gawin niya ay talagang sarado na ang isipan ni Paolo para sa kanyang mga paliwanag. Kung sakali mang sa kanya nangyari ang nangyari rito, malamang ganu’n din ang gagawin niya. Malamang, mas sasabog pa siya kaysa sa ginagawa ngayon ng kanyang kaibigan.
“Alam kong nasaktan ka pero sana naman ay makinig ka naman sa amin. Kung hindi mo kayang maniwala sa akin, sana naman kahit kay Mia maniwala ka naman. Alam ko, alam namin kung gaano ka kamahal nu’n kaya alam kong hindi niya magawang saktan ka at pagtaksilan. Alam kong---”
“At papaano mo maipapaliawanag ang eksena kung saan magkatabi kayo at hubo’t-hubad pa. Sige nga, ipaliwanag mo!” pabulyaw na sabi nito na siyang lalong nagpatahimik kay Mark. Kahit sino naman ay walang maniniwalang wala nga talagang nangyari sa kanilang dalawa ni Mia ng gabing ýon dahil sa nadatnang eksena.
Ano pa nga ba ang nararapat niyang sasabihin para naman ay makikinig ito sa kanya?
Sobrang gulo na ng kanyang isipan at alam niyang ganu’n din si Paolo ng mga sandaling ýon at dahil na rin sa impluwensiya ng alak na nilaklak nito ay lalo lamang itong hindi magawang makinig nang maayos sa kanyang mga sinasabi.
“Wala kaming relasyon ni Mia. Nirerespito ko ang anumang mayroon kayo kaya sana, maniwala ka sa amin,” saad pa niya habang nakayuko. Hindi na niya kaya pang tingnan ng diretso ang kanyang kaibigan sa mga mata nito dahil nagi-guilty na rin siya kahit na alam niya, kahit na ramdam talaga niyang wala siyang ginawang hindi nito magugustuhan.
Inilabas ni Paolo ang phone nito saka nito bahagyang iniangat at ipinakita sa kanila ang picture niya kung saan yakap-yakap niya si Mia. Kung hindi siya nagkakamali, ýon ýong mga oras kung saan nasampal siya ni Mia. Ýon ýong pagkakataon kung kailan, sinisikap niyang pakalmahin ang nobya nito dahil sa mga nagyayari na pareho naman nila hindi inaasahan.
Napatingin si Arvind kay Mark na kagaya niya ay nakakunot na rin ang noo dahil sa pagtataka sa nakitang picture. Malaking katanungan sa kanilang dalawa kung papaano nagkaroon ng ganu’ng picture si Paolo. Sino ang nagbigay nu’n sa kanilang kaibigan?
Katanungang hindi naman nila alam kung saan hahanapin ang kasagutan basta ang nasa isip lang nilang dalawa ay may traydor sa grupong nakiki-party sa kaarawan ni Irish. Isa sa mga iyon ang balak na sirain ang relasyon nina Mia at Paolo.
“Ngayon, sabihin mong wala nga talaga kayong relasyong dalawa,” galit pa ring saad ni Paolo sa boses na may kalasingan.
“Let me give an explanation about that. I know what it is all----”
“Just shut up! I didn’t ask for your side!” Singhal ni Paolo kay Arvind nang sinubukan nito na ipaliwanag kung tungkol saan ang picture na ýon at kung ano ang totoong nangyari ng araw na ‘yon pero imbes na makinig ay sininghalan lamang siya nito.
Napayuko na lamang si Arvind na para bang nahihiya dahil sa ginawa sa kanya ni Paolo pero kagaya ni Mark ay naiintidihan na rin niya ang kaibigan.
“Kapag ba sinabi ko saýo ang totoo tungkol sa bagay na ýan ay maniniwala ka?” patanong na naging saad ni Mark.
“Mark, nagtiwala ako saýo pero ano? Sinira mo lang. Inahas mo pa ang girlfriend ko!”
“Kahit kailan, hindi ko siya inahas mula saýo,” giit pa nito.
“And do you think I will believe you after what I saw?”
“Kahit anong sasabihin ko, hindi mo na paniniwalaan dahil alam kong sarado na ang utak mo kaya sige, I will let you think what you’re going to think about us,” pagsuko n ani Mark.
Kahit na ipagpilitan pa niyang wala ngang namagitan sa kanilang dalawa ni Mia ay hindi pa rin siya paniniwalaan ng kaibigan dahil sa sakit na nadarama nito.
“Dahil ýon naman ang totoo, di ba? Totoo namang ginagago niyo ako, di ba?!”
Lalong nawalan na ng pasensiya pa si Mark dahil hindi niya akalain na ganito pala kakitid ang utak ng kanyang kaibigan kapag nasasaktan. Hindi sana aabot ang lahat sa ganito kung malawak lang sana ang pag-iisip nito, kung marunong lang sana itong makinig sa bawat paliwanag nilang lahat.
“Sige dahil pinagpipilitan mo ang isang bagay na wala namang katotohanan, sasabihin ko ng may namamagitan nga sa amin ni Mia.”
Napaawang ang mga labing napatingin si Arvind kay Mark dahil sa sinabi nito, “Dude,” tawag niya sa kanyang kaibigan sa boses na para bang sinusuway niya ito. “What are you talking about?” hindi niya makapaniwalang tanong habang nanatiling nakaawang ang kanyang mga labi. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig mula sa kaibigan habang si Paolo naman ay nagngingitngit sag alit na nadarama matapos marinig ang mga katagang hindi inasasahang maririnig mula mismo sa bibig ng kanyang kaibigan.
Napahigpit ang kanyang pagkakahawak sa phone niya at nang hindi na siya makapagpigil ay naibato niya sa sementadong daan ang phone, “Tarantado ka!” sigaw pa niya saka walang babalang dinakma ang kwelyo ng suot na damit ni Mark at muli ay isang malakas na suntok ang ibinigay niya rito kaya muling dumugo ang gilid ng baba nitong muling tinamaan ng kanyang kamao sa pangalawang pagkakataon.
Natataranta namang agad na namagitan si Arvind sa dalawa. Nang akma sanang muling dakmain ni Paolo ang kwelyo ng damit ni Mark ay mabilis siyang inawat ni Arvind habang si Mark naman ay hindi na magawang lumaban. Wala rin naman itong balak na lumaban pa dahil alam naman niyang may mali siyang nagawa kaya ganu’n na lamang ang pagsabog ni Paolo sa galit na nadarama para sa kanya.
“Dude, stop it!” awat ni Arvind habang may iilan na ring nakakapansin sa kanilang tatlo pero walang ni isa sa mga ito ay nagkaroon ng lakas ng loob para makiawat.
“Hayop ka!” bulyaw ni Paolo habang unti-unting may mga luhang dumadaloy sa gilid ng mga mata nito, “Pinagkatiwalaan kita! Minahal kita hindi lang bilang kaibigan kundi bilang isang kapatid pero bakit mo nagawa sa akin ‘to?!” umiiyak nitong bulyaw habang tinuturo nito ang kaibigang pinapahiran ang gilid ng mga labi nitong pumutok sa pangalawang pagkakataon.
“Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo!” huling bulyaw niya habang nakatuon ang matatalim niyang tingin kay Mark. Galit na binaklas niya ang kanyang braso na hawak-hawak ni Arvind para pigilan siya saka siya dumiretso sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan.
“Dude!” tawag pa sa kanya ni Arvind pero hindi na niya ito pinakinggan pa. Tuloy-tuloy na siya papasok sa kanyang sasakyan pagkatapos ay walang pag-aalinlangang pinasibad niya ito papalayo sa lugar na ýon. Napatingin siya sa rear-view mirror ng sasakyan niya at bago pa man siya tuluyang nakalayo ay nakita pa niyang inalalayan ni Arvind si Mark. Alam niyang nasaktan niya si Mark physically pero patawarin siya ng Diyos dahil kahit katiting ay wala siyang nadaramang awa para rito. Wala siyang nadaramang konsensiya para sa ginawa niyang p*******t sa kaibigan.
Nag-aalala naman si Arvind para sa safety ni Paolo. Nakainom iyon pero nagmaneho kaya hindi talaga niya maiwasang mag-isip ng masama para rito. Pilit niyang hinanap ang phone ni Paolo na galit nitong itinapon sa daan pero dahil may kadiliman sa bahaging ýon ay nahirapan siyang makita ito. Isa pa, sigurado siyang durog na durog na iyon kagaya ng puso ng nagmamay-ari ng mga sandaling ýon. Durog na durog na rin dahil sa mga maling paniniwala habang si Mark naman ay nakaupo na ito sa loob ng sasakyan nito, sa may driver seat at nakahawak na ito sa manibela.
Napasandal ito sa upuan saka tumingala. Larawan siya ng isang taong punong-puno ng alalahanin sa buhay ng mga sandaling ýon at hindi na iyon nakapagtataka.
“Why did you do that?” taking-tanong ni Arvind sa kanya nang nakaupo na ito nang maayos sa tabi ng driver seat.
“Kahit anong sasabihin ko, hindi naman niya pinaniniwalaan. Hindi ko akalain na du’n pala siya maniniwala,” sagot nito habang naksandal pa rin sa upuan at bahagyang nakatingala.
“Mas lalo mo lang pinalala ang sitwasyon, dude,” wika ni Arvind.
Oo, alam ni Mark ýon pero ginawa na niya. Maibabalik pa ba niya?
“Kung talagang mahal niya si Mia, dapat makinig siya muna hindi ýong agad-agad siyang sasabog sa dahilan na hindi naman ganu’n kalinaw para sa kanya.”
“Kahit na. Hindi mo n asana ginawa ýon. Hindi mo n asana sinabing may namamgitan nga sa inyong dalawa ni Mia.”
“Napipikon na talaga ako sa pagiging makitid ng kanyang utak,” sagot ni Mark. Walang ibang nagawa si Arvind maliban sa pagbitaw na lamang ng isang malalim na buntong-hininga at isa-Diyos na lamang ang magiging ending ng lahat ng ‘to.
“Kumusta ka na?” tanong ni Liza kay Mia nang tawagan niya ito kinagabihan. Mula sa kabilang linya ay naririnig niya ang mahihina nitong pagsigok. Ramdam niya ang pag-iyak nito pero sinisikap lang nitong huwag humagulhol habang kausap siya ng mga sandaling ýon.
“Okay lang ako. Huwag kang mag-aalala,” sagot nito.
Napapansin naman ni Liza sa boses nito na umiiyak ito pero wala naman siyang lakas ng loob para tanungin nito.
“Kapag kailangan mo ng makakausap, nandito lang ako, huh?” aniya. Gusto lang naman niyang ipadama sa kaibigan na kahit na anong mangyari ay nandito lang siya para rito at nakahanda siyang makikinig sa lahat ng sasabihin nito kahit na ang ikukwento ng kaibigan ay puro sama ng loob at wala ng saya. Makikinig pa rin siya!
“Salamat, huh. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko,” madamdamin nitong saad.
“Kaibigan mo ako kaya hindi kita iiwan, pangako ýan,” sagot naman niya na may kasama pang mahinang pagtawa para naman masabi ng kaibigan niya na tunay nga siya.
“Magpaphinga lang muna ako, Liz. Baka, bukas magiging okay na ang lahat,” paalam ni Mia.
“Sige. Matulog ka ng maaga. Huwag mo munang isipin ang mga nangyari, okay? May pasok pa tayo bukas,” paalala niya rito.
“Hindi ko makakalimutan ‘yon. Sige, goodnight,”muli nitong pagpaalam sa kanya.
Mabigat sa dibdib na ibinaba niya ang kanyang phone matapos niyang marinig ang end buttoning tawag na ýon. Gusto niyang tulungan si Mia pero hindi naman niya alam kung papaano. Hindi naman siya expert pagdating sa bagay na ýon kaya aminado siya sa kanyang sarili na hanggang awa na lamang ang kaya niyang maibigay sa kanyang kaibigan.
Nang dumating si Paolo sa bahay ng kanyang lola ay wala siya sa kanyang sarili. Sinalubong siya ng matanda sa may pintuan pero nilagpasan lang niya ito. Ni hind inga siya nagmano rito bilang paggalang dito. Nakakunot man at nagtataka sa inasal ng apo ay wala nang nagawa pa si Lola Auring. Napasunod na lamang ang kanyang mga mata sa kanyang apo na tuloy-tuloy itong naglalakad papasok sa kwarto nito.
Nang nakapasok naman si Paolo sa kanyang kwarto ay hindi na niya napigilan pa ang kanyang sariling mga luha. Napaiyak siya sa sakit na kanyang nadarama. Hindi niya akalain nag anito pala kasakit ang madarama niya kapag niluluko siya.
Karma na nga ba ito sa lahat ng mga pinaggagawa niya sa ibang mga babaeng pinaglalaruan lamang niya ang puso ng mga ito? Bakit kung kailan ay natutunan na niya ang magmahal ng totoo at magseryoso ay saka pa siya sasaktan? Mahal niya si Mia pero magagawa pa ba niya itong tanggapin matapos ang lahat ng kanyang nasaksihan? Minahal nga ba siya nito o pinaglalaruan lang siya nito kagaya ng kanyang ginawa sa kapwa nito babae?