Napaawang ang mga labi ni Mia nang makita niya ang kanyang nobyong nakangiting nakatingin sa kanya habang may hawak-hawak itong isang red rose.
Napatingin siya sa bulaklak na hawak niya saka lang niya napagtanto na plano pala ang lahat at kasabwat ang kanyang kaibigan na ngayon ay kinikilig nang nakatingi sa kanya habang nanatili itong nakaupo. Habang ang mga barkada ni Paolo ay nakangiti ring nakatingin sa kanila sa bandang likuran nito.
Mabilis na inihakbang ni Paolo ang mga paa nito palapit sa kanya at nang nasa harapan na niya ito ay inabot nito sa kanya ang dala nitong bulaklak.
"Happy first monthsary," sabi nito habang nakangiti ng kaytamis.
Kinikilig namang tinanggap niya ang bulaklak habang si Liza naman ay tumitili sa kilig para sa kanya.
"Akala ko, nakalimutan mo na," may himig ng pagtatampo niyang saad.
"Bakit ko naman makakalimutan ang araw na 'to? Ito kaya ang pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko magmula nang dumating ako rito," pahayag nito na siyang nagpangiti pa sa kanya ng matamis.
Napasinghap siya ng walang babalang hinapit siya ni Paolo sa kanyang beywang palapit dito na siyang lalong nagpakilig sa mga nandu'n lalo na ng kaibigan nila.
Idinikit ni Paolo ang noo nito sa kanyang noo at dahil sa sobrang lapit nila sa isa't-isa ay nararamdaman tuloy ni Mia ang init ng hininga na pinapakawalan ng kanyang nobyo na siyang lalong nagpapataranta sa kanyang puso.
"Kahit anong mangyari, I won't forget this day because this is the day I successfully won your heart," sabi nito habang nakatingin sa kanyang mga mata na buong tapang naman niyang sinalubong iyon.
Niyakap siya pagkatapos ni Paolo ng mahigpit habang si Liza naman ay buong pusong sumuporta sa kanya.
Bago pa siya inihatid ni Paolo sa kanilang bahay ay niyaya muna siya nitong mamasyal at kumain ng mga street foods since mahilig din naman siya sa mga ganu'n. Dahil na rin sa kanya ay natutunan na rin ni Paolo ang yakapin ang mundong malayo naman sa kanyang mundo.
Para sa babaeng mahal niya, handa niyang gagawin ang lahat maipadama lamang niya kay Mia kung gaano ito kahalaga sa kanya at kung papaano naging makulay ang mundo niya matapos niya itong makilala.
Sigurado na siya sa kanyang sarili na ito na nga ang babaeng gusto niyang makasama habang-buhay. Ito na ang babaeng pinapangarap niyang magiging ina ng kanyang mga magiging anak.
"Kailan mo ba ako maipakilala sa Papa mo?" tanong ng binatilyo nang nakaparada na sila sa may di-kalayuan mula sa bahay nina Mia.
Nakababa na ang dalagita mula sa kanyang dalang motorsiklo at kasalukuyan na itong nakatayo sa kanyang tabi habang nakasampa naman siya sa kanyang motorsiklo.
"Pasensiya ka na, huh? Hindi pa kasi ako handa."
"Magagalit ba sila kung magbo-boyfriend ka na?"
"Hindi naman," maagap niyang sagot, "Kaya lang, hindi pa talaga ko handa."
Sapilitan namang napangiti si Paolo at ramdam naman iyon ng dalagita.
"Maghihintay ako hanggang sa handa ka na," anito na siya namang ikinatuwa niya. Hindi niya akalain na maiintindihan din pala siya nito.
Masyado pa kasi silang bata kaya talagang hindi pa siya handa para aminin sa kanyang ama at sa kanyang ate ang tungkol sa kanyang pakikipagrelasyon.
"Sige na, pasok ka na. Baka hinahanap ka na ng Papa mo," sabi nito saka nito inayos ang motorsiklo para makaalis na rin pero bago pa man tuluyang nakaalis ang kanyang nobyo ay mabilis niya itong hinawakan sa braso nito.
Nagtatakang napalingon ito sa kanya at walang anu-anoý bigla niyang inilapat ang kanyang mga labi sa bibig nito na siyang labis na ikinabigla ni Paolo.
"Ingat ka sa pag-uwi," saad niya matapos niyang pakawalan ang mga labi nito, "Dahan-dahan lang sa pagmamaneho," dagdag pa niya.
Napangiti si Paolo sabay hila sa kanya at walang pag-aalinlangang siniil nito ng halik ang kanyang mga labi. Bahagya pa siyang napaigtad nang hapitin siya nito sa kanyang beywang pero nagagawa pa rin niyang tugunan ang bawat galaw ng mga labi nito.
Paolo tried to explore his tongue inside her mouth when she let him in and there, their tongues met each other. Kakaibang paraan ng paghalik ang iginawad ni Paolo sa kanya ng mga sandaling ýon
Hindi niya maiwasang napahigpit ang kanyang pagkakahawak niya sa magkabilang balikat nito habang si Paolo naman ay nakayakap ang dalawa nitong braso sa kanyang beywang and he leave nothing space between their bodies.
And after a couple of seconds, pareho silang habol ang hiningang pinakawalan ang mga labi ng bawat isa.
Pareho rin silang napangiti habang nakatitig sila sa isa't-isa. Maya-maya lang ay niyakap siya sa beywang ng nobyo at napayakap na rin siya dito.
Ang pagmamahal na kapwa nila sinasaluhan sa bawat sandaling nagdaan sa kanila habang silaý magkasama ay talagang pinapahalagahan nila pareho dahil alam naman nilang hindi na nila maibabalik pa ang bawat sandaling nagdaan na. Gusto rin nilang gawing espesyal ang bawat sandali nilang magkasama. Hindi nila hahayaang may sisira sa masaya nilang pagsasama.
"Ate, malapit ka nang ga-graduate, kung nandito lang sana si Mama, kasama natin malamang matutuwa ýon ng sobra," pahayag ni Mia sa kanyang kapatid, isang araw ng umuwi ito galing sa city kung saan ito nag-aaral ng kolehiyo.
"Oo nga kaso, maaga naman siyang kinuha ng Panginoon mula sa atin. Wala naman tayong magagawa para sa bagay na ýon. Sana nga lang, kung nasaan man siya ngayon ay masaya siya para sa ating lahat."
"Iba pa rin talaga kapag kumpleto ang pamilya," mslungkot niyang saad habanh lingid sa kanilang kaalaman ay lihim na nakikinig sa kanilang dalawa ang kanilang ama na nakakubli sa pader ng kanilang bahay.
"Tama ka. Naaawa na rin ako kay Papa. Pati ang obligasyon na sana sa isang ina lamang nakaatang ay ginagawa na niya. Halos wala na nga siyang oras para sa kanyang sarili mula nang nawala si Mama," madamdamin namang saad ni Nayume saka niya binalingan ang kapatid na pareho niya ay naging emotional na rin ng mga sandaling ýon.
"Kaya sana, magtatapos tayo sa ating pag-aaral para naman kahit na sa ganu'ng paraan lamang natin siya masusuklian sa lahat ng pagsasakripisyo niya sa atin."
"Pangako, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Magtatapos ako at magiging isang mahusay na doctor balang-araw," masiglang saad ni Mia.
"Ako rin. Magtatapos ako at magiging isang mahusay na guro balang-araw," nakangiti namang saad ni Nayume saka sila nagyakapan. Karamay ang bawat isa.
Mangiyak-ngiyak namang umalis si Leon mula sa kanyang kinatatayuan matapos niyang marinig ang naging usapan ng kanyang mga anak.
Dumiretso siya sa labas ng kanilang bahay saka siya napatingala sa kalawakan na kasalukuyang malinaw na malinaw dahil walang ulan na nagbabadyang bumagsak kaya kahit na madilim na ang paligid ay nakikita naman ng malinaw ni Leon ang mga bituin na nag-uunahan sa pagkislap ng mga sandaling ýon.
"Honey, salamat," aniya habang nakatingin pa rin siya sa mga bituin. Iniisip na lamang niya na ang mga bituin na ýon ay ang nag-iisang babaeng nagmahal sa kanya ng tapat at sinamahan siya sa bawat dagok at kalungkutang lumukob sa kanyang buong pagkatao noon at ni minsan ay hindi nito naisipan ang iiwan na lamang siya para maghanap ng iba.
"Salamat dahil sa mga mababait na batang iniwan mo sa akin. Salamat dahil pinalaki mo silang magagalang at may mataas na pangarap sa buhay."
Bahagya niyang ibinaba ang kanyang mukha saka ang mga ilaw na nasa unahan niya na nagmula sa mga kabahayan ang siya namang kanyang pinagmasdan.
"Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko na talaga alam kung ano pa ba ang dahilan ko para mabuhay sa mundong 'to. Kung hindi dahil sa kanila, malamang matagal na tayong muling magkasama ngayon."
Nagbabadya ang mga luha sa magkabila niyang pisngi sa pagdaloy. Kahit ilang taon na magmula nang iwan siya sa kanyang asawa ay masakit pa rin para sa kanya hanggang ang katotohanang wala na ang naging katuwang niya sa buhay.
"Gabayan mo ang mga anak mo. Huwag mo sana silang pababayaan sa bawat paghakbang na gagawin nila," dagdag pa niya saka siya napangiti ng may pait sa kanyang kalooban.
"Good morning, Pa," bati ni Mia sa kagigising lang niyang ama nang umagang ýon.
"Good morning din," masigla nitong sagot sa kanya saka ito dumiretso sa kanilang ref saka kinuha ang pitcher na may lamang malamig na tubig saka ito nagsalin ng tubig sa basong kakahuha lamang nito sa tray.
"Ang aga mo yatang bumangon," puna nito sa kanya nang mapansin nito ang iilang pagkaing tapos na niyang lutuin habang nagsasalin ito ng tubig sa hawak na baso.
"Alam niyo namang aalis na naman si Ate para bumalik na ng city dahil pasukan na naman, siyempre kailangang bago pa siya makaalis ay kakain muna siya sa niluto ko," litanya niya habang inililipat na niya sa isang serving plate ang kanyang bagong niluto.
"Ma-effort talaga 'tong mga anak ko," sabi nito ni Leon na siya namang pagpasok ni Nayume sa kanilang kusina at mukhang kagigising lamang din nito.
"Naku, huh! Ang aga-aga pinapakilig ako ng mabait kong kapatid," anito saka ito lumapit sa mga niluto ng kapatid at isa-isa niya itong inamoy ang aroma na siya nang pumuno sa loob ng kanilang munting bahay. "Ang bango, ah!" bulalas nito saak nito inisa-isang tinikman.
Makalipas ang ilang sandali ay masaya na silang sabay nag-agahan habang walang tigil ang kanilang kwentuhan. Masaya silang pareho sa piling ng bawat isa at wala ng papantay sa kaligayahan na kapwa nila nadarama.
Ang piping hiling ng kanilang ama ay sana, ang mga ngiti, ang masasayang mukha ng kanyang mga anak at ang mga matataginting nitong mga tawa ay hindi na magbabago pa. Sana, palagi niyang matatanaw ang mga iyon habang may hininga pa siya.
"Anong balak mo sa kaarawan ng nobyo mo?" tanong ni Liza kay Mia, isang araw nang napag-usapan nila ang nalalapit na kaarawan ni Paolo. Kasalukyan silang nakaupo sa isang bench nang magkatabi habang nakaharap sila sa ground ng school kung saan makikita ang iilang mga estudyante na masayang nag-uusap, ang iba naman ay naglalaro.
"Hindi ko pa nga alam kung ano ang pwede kong gawin para naman magiging masaya siya," sagot naman niya habang nakatingin sa ibang mga estudyante na naglalaro sa ground. "May ideya ka ba?" baling niya sa kaibigan at napaisip naman ang dalagita sa kanyang naging tanong.
Bago pa man nakasagot si Liza ay may bigla nang yumakap kay Mia mula sa likuran nito. Walang iba kundi ang nobyo nitong si Paolo kasama ang dalawa nitong kaibigan.
"Anong pinag-uusapan niyo? Bakit mukhang napakaseryoso niyong dalawa?" tanong ni Arvind sabay upo sa tabi ni Liza na siya namang nagpakilig sa dalagita.
"Oo nga. Napakaseryoso niyo talaga," ani naman ni Mark habang nanatili lamang na nakatayo sa bandang likuran nilang lahat.
"Usapang babae ýon kaya hindi na mahalagang malaman niyo ýon," sabi ni Liza.
"Ano bang pinag-usapan niyong dalawa?" tanong naman ni Paolo sa kanyang nobya na tahimik lamang habang nakikinig sa kani-kanilang kaibigang nag-uusap.
"Malapit na ang birthday mo. Ano bang gusto mong gawin namin para saýo?" tanong ni Mia na siyang nagpakilig sa tatlo.
"Ayiiie, ano ýon?" biro ni Arvind.
"First time kong makarinig na may babaeng nag-effort talagang mag-isip para sa kaarawan mo, dude ah!" nakangiti namang bulalas ni Mark na siyang nagpangiti kay Paolo.
Nakailang relasyon na siya sa mumurahin niyang edad pero si Mia pa lamang talaga ang nakagawa ng bagay na ýon para sa kanya kaya hindi na nakapagtataka kung ang buong kalamnan niya sa kanyang katawan ay kinilig.