CHAPTER 5

1789 Words
"Pa?" tawag ni Mia sa kanyang ama nang nakauwi na siya galing sa school nang araw na 'yon at nadatnan niya ang kanyang amang si Leon na nasa likuran ng kanilang bahay at nagdidilig ng kanilang mga halamang nandu'n. Dali-dali siyang lumapit dito saka siya nagmano. "Napaaga yata ang uwi mo?" tanong nito matapos siyang magmano. "Wala po kasi kaming last subject kasi may meeting daw ang mga teachers kaya pinauwi na kami ng maaga," paliwanag naman niya.  Agad siyang pumasok sa kanyang kwarto at mabilis na nagbihis ng damit pambahay saka niya muling binalikan ang kanyang amang nagdidilig pa rin ng mga sandaling ýon. "Ako na po ang gagawa niyan, Pa," agaw niya sa pandilig na hawak ng kanyang ama. Pagod ang kanyang ama galing sa kanilang sakahan at ramdam niya iyon kaya kung maaari ay siya na ang gagawa ng mga gawaing bahay kagaya ng pagdidilig ng mga halaman. Mahilig kasi noon ang kanilang ina sa halaman at ang mga halamang 'yon ay anv natatanging ala-alang naiwan nito sa kanila kaya ganu'n na lamang ka-semtimental iyon para sa kanilang ama. Kaya, kahit na anong pagod ang nararamdaman nito galing ng sakahan ay didiligan talaga nito ang mga halaman kapag hindi pa siya nakakauwi galing sa school. "Uuwi bukas ang Ate Nayume mo dahil weekend na naman," pahayag nito habang nakaupo sa isang upuang plastik at nakaharap sa kanya. "Excited na nga akong makita siya, Pa. Halos mag-iisang buwan na rin siyang hindi nakauwi dahil sa pagiging busy niya sa school niya," saad niya habang nagdidilig. "Malapit nang magtatapos ang ate mo sa kolehiyo at ikaw naman ang susunod, sana naman kagaya niya makapagtapos ka rin at maabot mo ang mga pangarap mo sa buhay." Saglit na napahinto si Mia sa kanyang pagdidilig dahil sa sinabi ng kanyang ama. Naaalala niya ang pagkakaroon niya ng nobyo na hindi naman niya masabi-sabi sa ama dahil sa takot na baka magalit ito at pagbawalan siya lalo pa at masyado pa siyang bata. Ang ate kasi niya ay talagang hindi muna nagkaroon ng nobyo habang nag-aaral pa ito lalo na at nasa kolehiyo na ito. Gusto niyang sabihin ang totoo pero inuunahan naman siya ng kaba at takot. Ayaw naman niyang magalit ito nang dahil sa kanya kaya kung maaari ay hindi na lang siguro niya sasabihin ang totoo at sana, kapag nalaman nito ang pagkakaroon niya ng relasyon ay maiintindihan siya nito. "May problema ba?" puna ni Leon sa kanyang bunsong anak nang mapansin niya itong tulala sa labas ng kanilang bahay ng sandaling ýon. Matapos kasi silang maghapunan ay si Mia na ang nag-asikaso ng kanilang pinagkain na siyang naging araw-araw na nitong ginagawa kapag wala ang ate nitong si Nayume. Matapos ang hapunan ay napansin na lamang niya itong nakaupo sa labas ng bahay at nakatingala sa kalawakan kung saan kanya-kanyang nagkikislapan ang mga bituin na kayganda kung pagmasdan kapag walang ulan. "Pa, ba't gising pa kayo?" tanong ng anak saka siya nito inalalayan sa pag-upo sa tabi nito. "Eh, ikaw bakit gising ka pa?" balik-tanong nito sa kanya nang maayos na itong nakaupo sa kanyang tabi. "Gusto ko lang po'ng pagmasdan ang mga bituin," sagot naman niya saka siya muling napatingala sa kalawakan. "May problema ba?" muli nitong tanong sa kanya. Ramdam talaga ni Leon na may problema ang kanyang anak dahil madalas niya itong nakikita sa ganu'ng ayos kapag may gumugulo sa isipan nito. Ama siya nito at mula pa noong nawala ang ina ng mga ito ay siya na ang nakatutok sa kanyang mga anak kaya hindi na lingid sa kanyang kaalaman ang tungkol sa mga bagay na ýon. Hindi na bago sa kanya ang mga senyales kung may gumugulo nga ba sa isipan ng mga ito. "Naiisip ko lang kung minsan, Pa. Mula nang nawala si Mama, kayo na ang tumatayong ina namin. Hindi pa po ba kayo napapagod sa araw-araw na pagkayod para lang maigapang niyo ng maayos ang kinabuksan namin?" Napangiti na lamang si Leon sa naging tanong ng anak. Mabait ang panganay niyang si Nayume at masunurin pang bata. Hinid nito iniisip minsan ang sarili dahil siya ang laging laman ng isipan nito pero hindi maipagkakaila na mas malambing sa dalawa si Mia dahil siya talaga ang namulatan ng dalagita na nag-aalaga rito. "Basta para sa inyo ng ate mo, walang mahirap sa akin at kailanman, hindi ako mapapagod sa pagsisikap para lang mabigyan ko kayo ng magandang kinabuksan dahil ýon lang naman ang kayamanang maiiwan ko para sa inyong dalawa. Maiintindihan mo rin ako kapag may anak ka na balang-araw," pahayag ni Leon habang ang isipan naman ni Mia ay pilit na ina-absorb ang mga naririnig mula sa ama. "Hindi madali ang pagiging magulang pero kaya kong magtiis para sa inyong magndang kinabuksan." Napatingin siya sa kanyang kamay ng hawakan ito ng kanyang ama. "...kaya sana, magsumikap ka rin sa pag-aaral mo dahil kahit anong pagsisikap na gagawin ko, kung hindi mo naman sasabayan ang pagsiskap kong mabigyan ka ng magandang kinabukasan ay mapupunta pa rin sa wala ang lahat." Napatingin siya sa mga mata ng kanyang ama at nakikita niya ang isang pakiusap ng isang ama sa anak. Nakaramdam siya ng awa para rito kaya ang pagkakaroon niya ng nobyo ay isa sa nagbibigay ng alinlangan sa kanya. "Kailanmaý hindi ko kayo pagbabawalan ng kapatid mo na magkaroon ng nobyo..." Muli siyang napatingin sa kanyang ama na kasalukuyan ng nakatingin sa kalawakan. Mukhang nababasa yata nito ang takbo ng kanyang isipan, ang gumugulo sa kanya ng mga sandaling ýon. "...pero sana, huwag niyong kalimutan ang palaging bilin ko sa inyo na hangga't hindi pa tamang oras ay huwag muna ninyo gawin ang mga bagay na hindi niyo pa dapat gawin dahil makakasira iyon sa kinabukasan niyo. Mawawala lahat ng mga pangarap niyo lalo na kapag iiwan din pala kayo ng lalaking mamahalin niyo sa bandang huli." Muling napalingon ni Leon sa kanyang anak na matamang nakikinig sa kanya habang nagsasalita siya bilang pangaral dito. "Nak, simple lang ang pangarap ko para sa inyong dalawa ng ate mo. Ýon ay ang pareho kayong makapagtapos sa inyong pag-aaral, magkakaroon ng magandang kinabukasan at magkaroon ng lalaking tunay na magmamahal sa inyo habang-buhay." Madamdaming napatingin si Mia sa mga mata ng kanyang ama at nakikita niya ang isang pangarap na gusto nitong maabot para sa kanilang dalawa ng kanyang kapatid na si Nayume. "Makakaasa po kayo, Pa. Magtatapos po kami ni Ate Nayume at aabutin namin ang pangarap na ýon hindi lang para sa aming dalawa kundi para na rin sa inyo ni Mama," aniya saka siya yumakap sa kanyang ama na may matamis ng ngiting nakadungaw sa magkabilang gilid ng labi nito. Nakahiga na si Nayume sa ibabaw ng kanyang higaan ng gabing ýon pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok dahil sadyang gumugulo sa kanyang isipan ang tungkol sa kanilang relasyon ni Paolo. She can't about her relationship with Paolo to her father dahil sa negatibong nag-uunahan sa kanyang isipan but she is much sure that she can't give up her love for Paolo dahil talagang tinaaman na siya rito at hindi niya iyon ipinagkakaila sa kanyang sarili. She can't afford to lose him. She loves him. She dearly dares! "Gising!"  Labis ang tuwang gumuhit sa mukha ni Mia kinabukasan nang bumungad sa pagmulat ng kanyang mga mata ang kanyang ate na mukhang kararating pa lamang nito. Maaga itong umalis galing sa city para lang makarating ito kaagad. Niyuyugyog pa siya nito sa kanyang balikat dahil sa parang mantika siyang matulog. Napayakap na lamang siya bigla dito nang makita niya ito sa kanyang tabi at nakatunghay sa kanya. "Ate," tuwang-tuwa niyang tawag dito habang nakayakap siya rito ng mahigpit. "Ang hirap mo talagang gisingin. Nagpuyat ka ba kagabi?" reklamo nito saka ito kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya. "Namiss kita," parang batang saad niya at nang muli pa sana niya itong yayakapin ay bigla namna itong umiwas. "Amoy laway ka. Maghilamos ka muna." Mabilis niyang inamoy ang kanyang sariling hininga saka niya tiningnan ang kapatid. "Di kaya," naka-pout niyang saad. Mabilis namang tumayo si Nayume mula sa pagkakaupo nito sa gilid ng kanyang higaan saka siya nito muling binalingan. "Bumangon ka na para naman makapag-almusal na tayo," sabi nito sa kanya na agad din naman niyang sinunod. Pero, bago pa man tuluyang nakalabas mula sa kanyang kwarto ang kanyang kapatid ay mabilis niya itong hinalikan sa pisngi. "Mia!" sigaw nito sabay hawak sa pisngi nitong hinalikan niya. Mabilis naman siyang napatakbo palayo bago pa siya nito maabutan at masapak dahil isa talaga sa ayaw nitong gagawin niya ay ang halikan itong hindi pa siya nakapaghilamos galing sa mahimbing na pagkakatulog. "Kumusta naman ang pag-aaral mo rito?" tanong ni Nayume sa kapatid habang sabay silang naglalakad sa isang park na may kalapitan lang din naman sa kanilang bahay. "Okay lang naman. Malapit na akong ga-graduate, ate," nakangiti niyang saad saka siya napaupo sa isang bench. "Anong malapit? Dalawang taon pa kaya ang kailangan mong tapusin bago ka ga-graduate. Marami ka pang bigas na kailangang kainin, no?" pang-iinis naman nito sa kanya. "Pero, atleast two years na lang at magtatapos na ako ng high school." "Well, sabagay," tugon nito saka ito umupo sa kanyang tabi. Hinarap niya ang kanyang ate na may excitement sa kanyang mga mata pati na sa buong mukha niya. "Ate, noong naging kayo ni Kuya Roniel, ano bang pakiramdam mo?" tanong niya at napangiti naman si Nayume du'n. "Siyempre, masaya. Masarap din kaya sa pakiramdam ýong mahal ka ng lalaking mahal mo kaya noong naging kami ngb Kuya Roniel mo, pakiramdam ko ako na ýong pinakamasayang babae at pinakamaswerte sa balat ng lupa dahil sa dinami-dami ba naman ng mga magagandang babaeng nakapaligid sa kanya ay sa akin pa talaga siya nahulog," proud na proud nitong saad pero bigla din namang nag-iba ang facial expression nito nang tumingin ito sa kanya. "Bakit mo natanong ýon? Huwag mong sasabihing may boyfriend ka na." Bahagyang napaawang ang kanyang mga labi sabay tanggi bago pa man madulas ang kanyang mga labi. "Wala naman sigurong masama kung magtanong, hindi ba?" balik-tanong niya sa kanyang kapatid. "Eh, bakit ka naman napatanong kung wala naman pala?" "Gusto ko lang malaman ang love story mo. Malay mo, magiging writer pala ako balang-araw. Oh, di ba baka love story mo pa ang una kong isusulat," pagsisinungaling niya dahil ang totoo, nais lang naman talaga niya malaman kung pareho ba sila ng nararamdaman nang ligawan din ito ng lalaking gusto nito kagaya niya. Napatango si Nayume bilang pagsang-ayon pero ramdam talaga niyang hindi ito naniniwala sa naging palusot niya. Hindi naman kasi siya madalas nagtatanong tungkol sa buhay-pag-ibig nito noon kaya hindi na nakapagtataka kung ganu'n na lamang ang naging reaksiyon nito dahil sa kanyang tanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD