Agad na napatayo si Nayume nang biglang bumukas ang pintuan kung saan inasikaso ang kanyang ama. Mabilis niyang sinalubong ang doctor na nag-asikaso ni Leon habang basa pa ng mga luha ang kanyang mga mata. “Doc, how’s my father?” agad niyang tanong dito. “He’s fine. So, you don’t have to worry.” Nakahinga ng malalim si Nayume matapos niyang marinig ang sinabi ng doctor. Ang buong akala niya ay kung ano na ang mangyayari sa pinakamamahal nilang ama. “Thank you, doc. Thank you so much,” maluha-luha niyang saad at napangiti naman ang kausap niyang doctor. Maya-maya ay napapihit naman siya sa kanyang likuran ng marinig niya ang pagbukas ng emergency room kung saan naman nakaratay ang kanyang kapatid na binalak na tapusin ang nag-iisa nitong buhay kahit na alam naman nilang lahat na ang pa

