CHAPTER 2

1671 Words
"Hi, I'm Liza," pagpapakilala naman ni Liza sa mga ito nang maghiwalay na ang mga palad nina Mia at Paolo. "Hi, I'm James," magiliw na saad ni Paolo saka nito ipinakilala ang iba pa nitong kabarkadang sina Arvind at Mark. Lalong kinilig si Liza nang mahawakan na nito sa wakas ang palad ng kanyang crush na si Arvind at kahit na anong saway ni Mia rito na huwag magpahalata pero sadyang hindi mapipigilan ng kanyang kaibigan ang kilig na nararamdaman nito na hindi naman niya masisisi kung talagang tinamaan si Liza kay Arvind. "So, saan ang punta niyo?" tanong ni Mark matapos silang magpapakilala sa isa't-isa. "Uuwi na sa-----"Punta kami ng mall, sasama kayo?" agad na singit ni Liza na siyang ikinabigla ni Mia. Bahagya niya itong siniko pero sadyang ayaw nitong makinig sa kanya kaya hinawakan na niya ito sa braso. "Teka lang, huh," sabi niya sa mga ito sabay ngiti ng sapilitan at hinila niya nang bahagya ang kaibigan palayo sa mga ito upang kausapin. "Ano ka ba? Anong mall ang pinagsasabi mo?" "Sumakay na lang muna sa pakulo ko, okay?" sagot naman nito at nang babalik na sana ito sa harapan nina Paolo ay muli niya itong hinila sa kamay. "Hindi pwede. Alam mo namang kailangan kong umuwi kaagad dahil baka mag-aalala sa akin si Papa." Simula kasi nang mag-college ang Ate Nayume niya ay diretso na siya pauwi sa kanilang bahay galing sa school pagkalabas nila dahil ayaw niyang mag-aalala ang kanilang amang si Leon. Okay lang 'yong dati kung medyo male-late siya ng uwi dahil kasama naman niya si Nayume kaya kampante si Leon para sa kaniyang kaligtasan at isa pa, nakasanayan na rin kasi niyang uuwi ng diretso ng bahay pagkatapos ng klase. "Ako ang bahala. Magtiwala ka lang sa akin, okay?" "Kaya lang, Liza-----" "Please, ngayon lang 'to. Susulitin na natin habang makakasama pa natin sila, okay?" Napatingin siya sa mga mata ng kanyang kaibigan at kitang-kita niya ang senseridad sa mga mata nito, ang pagnanais nitong makasama ang lalaking itinatangi ng puso nito. Napatingin din siya kay Paolo na kasalukuyan pa ring nakamasid sa kanilang magkakaibigan. Nakita niya ang paglitaw ng matamis na ngiti sa mga labi nito nang makita nitong nakatingin siya rito na siyang nagpakabog sa kanyang puso. Hindi naman siguro masama kung gagawin niya ang gustong mangyari ni Liza nang mga sandaling 'yon, di ba? Gusto lang din naman niyang maranasan kung ano nga ba ang pakiramdam na makakasama mo ang taong lihim kong hinahangaan. Hindi naman siguro masama kung hindi siya makakauwi ng maaga ngayong araw na 'to. Isa pa, ngayon lang naman niya gagawin ang bagay na 'to at sinisiguro niyang hindi na masusundan pa. Gusto lang niyang pagbigyan ang anumang hinihiling ng kanyang damdamin ngayon. Masaya silang naglalakad sa loob ng isang mall na siyang kanilang pinuntahan. Panay ang kwento at daldal ni Liza habang siya naman ay nahihiyang pinakiramdaman ang bawat galaw ni Paolo na laging nasa tabi lamang niya. Pumasok sila sa world of fun at naglaro ng iba't-ibang laro. Masayang-masaya si Liza ng araw na 'yon at kitang-kita naman iyon sa mukha nito at sa mga mata nito habang si Mia naman ay pinipilit na maging kalmado lamang kahit na ang totoo ay gusto na rin niyang tumalon sa tuwa dahil sa wakas nakakasama niya ang lalaking itinatangi ng kanyang puso kahit pa hindi ito isang date kagaya ng ginagawa ng magnobyo. "Halika, ikaw naman ang maglaro rito," aya sa kanya ni Liza papunta sa harapan ng isang claw machine na agad naman niyang tinanggihan dahil hindi naman siya marunong maglaro nu'n. "Hindi ko alam kung paano laruin 'yan," pagtatapat niya pero sadyang mapilit talaga ang kanyang kaibigan. "Subukan mo lang. Malay natin makakakuha ka pala," sabi pa nito saka siya nito muling hinila papalapit sa machine. "Sige na, subukan mo," sabi pa nito kaya wala na rin siyang nagawa kaya hinawakan niya ang joystick ng claw machine na siya namang paglapat ng isang palad sa likuran ng kanyang kamay kasabay nu'n ay ang bahagyang paglapat ng kung ano sa kanyang likod. Mabilis siyang napalingon sa kanyang likuran dahil sa kabiglaan at ganu'n na lamang ang pag-awang ng kanyang mga labi nang sa kanyang paglingon ay siya namang paglingon sa kanya ng nagmamay-ari ng kamay na nakahawak ngayon sa kanyang kamay. Walang iba kundi si Paolo! Nagkatitigan silang dalawa at halos maglapat na ang kanilang mga labi sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha ng mga sandaling 'yon na siyang naging dahilan kung bakit labis na nagkakagulo ang pagpintig ng kanyang puso. Dahan-dahan na lumitaw ang matamis na ngiti ni Paolo sa mga labi nito habang nakikipagtitigan sa kanya at pakiramdam din niya ay lalo siyang nawawala sa kanyang katinuan habang nararamdaman niya ang mainit na hiningang binibitiwan nito na dumadampi sa kanyang pisngi. Lalo siyang natataranta sa kaalamang magkadikit ngayon ang kanilang likuran at hawak-hawak pa nito ang likuran ng kanyang kamay habang nakahawak siya sa joystick ng claw machine. Hindi niya naiwasang mapalunok nang makita niyang nakatitig na sa kanyang mga labi ang binata. "Let me teach you," pabulong nitong sabi sa kanyang punong tainga. Para siyang nakikiliti sa ginawa nitong pagbulong sa kanya at napatingin na lamang siya sa isa pa niyang kamay nang maramdaman niyang dahan-dahan nitong hinawakan saka nito iginaya papunta sa isang button ng claw machine kung saan pipindutin ng isang manlalaro kung gusto na niyang kunin ang stuff toys na gusto niyang makuha. Maya-maya lang ay nararamdaman na ni Mia ang pwersa na nanggagaling sa kamay ni Paolo nang igalaw na nito ang kamay niyang may hawak sa joystick. Habang pinupwesto ni Paolo ang claw sa pinupunterya nitong stuff toy ay hindi pa rin mapalagay si Mia. Mas lalo tuloy siyang nawawala sa konsentrasyon habang ang puso niya ay patuloy pa rin sa pagkabog, patuloy pa rin sa pagpintig ng kaylakas at kaybilis. Palihim niya itong nililingon at agad din naman siyang iiwas ng tingin kapag lilingon din ito sa kanya at nang maayos nang nakatuon ang claw sa stuff toy ay agad na itinuon ni James ang kanyang daliri sa button. "Push," sabi nito sabay tulak sa kanyang daliri sa button at nakita niyang dahan-dahan na bumaba ang claw sa isang kulay blue na teddy bear. And when the claw grabbed the teddy bear, dahan-dahan itong puma-itaas at lumapit ito sa hinuhulugan ng mga nakukuha nito. Napaawang ang mga labi ni Mia nang tagumpay na nakuha nila ang teddy bear sa isang attempt lang. Laking tuwa niya dahil du'n kaya napapihit siya paharap kay James sabay yakap dito nang mahigpit. Laking gulat naman nito dahil sa kanyang ginawa at halos hindi na ito nakagalaw pa. Napatingin naman sa kanila ang apat habang si Liza naman ay kinikilig dahil sa ginawa niyang pagyakap sa binata. Ang puso ni Paolo na walang ibang alam na gawin pagdating sa mga babae ay ang maglaro at mangluko ay pumitik nang kakaiba dahil sa yakap sa kanya ni Mia. Yakap na talagang hindi niya inaasahang madama. Ang puso niyang hindi marunong magseryoso, hindi alam kung ano nga ba ang pag-ibig ay nagkakagulo sa unang pagkakataon! Ang katawan niyang puro init lamang ang alam ay para bang nanginginig sa kadahilanang hindi niya alam. Nangangatog ang kanyang mga tuhod na madalas niyang ginagawa sa ibang mga kakaibahan. Nag-uunahan sa pagtibok ang kanyang pulsuhan at ang kanyang puso. Halos hindi na niya maririnig ang ingay na nasa paligid nila dahil sa lakas ng pagtambol ng kanyang damdamin dibdib. Marami nang babaeng dumaan sa buhay niya pero ang ganitong pakiramdam, ngayon lamang niya nadama. Si Mia lamang ang tanging babaeng nagpapadama sa kanya ng kakaibang damdamin! Ito na nga ba ang tinatawag nilang pag-ibig? Ganito na talaga ang nararamdaman ng isang taong tinamaan? "Yes!" ani Mia habang yakap-yakap niya ang binata. Pero, nang mapansin niya na nakatingin sa kanila ang kanilang mga kasama at ang pagkatigagal ni Paolo ay agad kumalas mula sa pagkakayakap niya rito at nakaramdam naman ng pagkadismaya du'n ang binata. "Sorry," nahihiya niyang sabi. "It's okay," maagap namang sagot ni James habang si Liza naman ay kinikilig pa rin para sa kanya. "Para sa'yo," sabi ni Paolo kay Mia saka niya inabot dito ang nakuha niyang teddy bear. "P-para s-sa a-akin?" hindi niya makapaniwalang tanong. Marahan namang tumango si Paolo. Sobrang saya ng kanyang pakiramdam dahil maliban sa nakasama niya ang lalaking crush niya ay nabigyan pa siya nito ng isang bagay na alam niya sa kanyang sariling itatago at iniingatan niya iyon habang-buhay. "Ang galing mo talaga maglaro ng claw machine, Paolo. Paano mo ba natutunan 'yon?" tanong ni Liza habang naglalakad na sila pauwi. Medyo madlilim na rin ang paligid nang naisipan nilang umuwi at nang mapansin ni Mia ang paligid ay nakaramdam siya ng pag-aalala na baka kung ano na ang ginagawa ngayon ng kanyang ama lalo na at hindi nito alam kung gagabihin siya ng uwi pero nangako naman si Liza na tutulungan siya nito. "Kapag araw-araw mong nalalaro ang ganu'ng laro malamang, huhusay at huhusay ka talaga," pahayag naman ni Arvind. "Sana, ako may makapagturo rin sa akin ng ganu'n," pabebeng saad ni Liza sabay sulyap kay Arvind. "Hayaan mo, tuturuan kita," singit ni Mark. "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Liza, "Excited na ako," dagdag pa nito. "Oo naman!" Habang nagkukuwentuhan ang apat ay lihim namang nakikiramdam ang dalawa sa isa't-isa. Halos hindi na lumalayo pa kay Mia si Paolo at lagi na itong naglalakad katabi niya habang ang apat naman ay nasa unahan at nagdadaldalan. "Pasensiya na po, Pa kung natagalan po akong umuwi," paghihingi-paumanhin ni Mia sa kanyang ama nang dumating na siya sa kanilang bahay kasama si Liza. "Tito, pinakiusapan ko po kasi ang anak niyo na kung maaari ay samahan muna niya ako kahit sandali sa mall," sabi ni Liza para lang hindi mailagay sa masamang agam-agam ang kanyang kaibigan. "Okay lang 'yon basta ang mahalaga ay ligtas kang nakauwi." Niyakap niya ang kanyang ama dahil sa tuwa. Akala talaga niyang magagalit na ito ng lubos dahil sa kanyang late na pag-uwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD