Kinabukasan ay nabasa ko sa mga pahayagan na pinagpistahan ng mga taga-media ang balita tungkol sa pagpatay ni Silent Assassin sa sikat na artistang si Veron D'Vila kasama ang apat na lalaki na nagpag-alaman ng pulisya na mga tauhan ng ama nito. Walang nakakaalam kung ano ang dahilan at pinatay ni Silent Assassin ang babaeng sikat na artista ayon sa isang reporter. "Walang dapat sisihin sa kanyang pagkamatay kundi ang kanyang sarili mismo," sabi ko na tila may kausap gayong nag-iisa lang naman ako sa loob ng bahay ko at kasalukuyang nagbabasa ng diyaryo na binili ko sa labas ng gate ng subdivision kanina. Inilapag ko ang diyaryo sa ibabaw ng center table at pumasok sa loob ng aking kuwarto. Kumuha ako ng bagong towel at pumasok sa loob ng banyo. Mabikis lamang akong nag-shower at nagbihi

