Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela ng kotse ko habang sinusundan ko ang kotse ng lalaking matagal ko nang hinahanap. Sa pagkakataong ito ay hinding-hindi ko na siya hahayaan pang makaligtas mula sa aking mga kamay. Kailangan ko siyang makausap para malaman ko kung sino ang nag-utos sa kanila na patayin ang aking pamilya. Nang huminto sa tapat ng isang bakeshop ang kotse ng lalaki ay huminto rin ako ilang metro ang layo mula sa kanya para hindi niya mahalata na sinusundan ko siya. Nakita kong lumabas siya at bumili ng tinapay pagkatapos ay muling pumasok sa kotse at agad na umalis. Patuloy ko siyang sinundan hanggang sa huminto siya sa tapat ng isang lumang bahay na bungalow ang style. Nang lumabas siya sa kotse niya ay mabilis akong pumarada sa likuran ng kotse niya at nagmamadaling

