Shanra's POV Habang naghahanda kami sa gagawin naming pag-assassinate kay Sentor Evan De Silva ay lumilipad ang aking isip. Siguro namsn na-gets ni Craig ang ibig sabihin ng babalang ibinato ko sa kanya noong isang araw. Obvious naman kung ano ang ibig sabihin ng babalang isinulat ko sa kapirasong papel na iyon kaya tiyak na naghahanda at nakapagplano na ngayon si Craig sa gagawing depensa para maprotektahan nito ang senator nitong pinsan. Ito lamang ang kaya kong gawin. Ang palihim siyang bigyan ng babala para mailigtas niya ang pinsan niya. "Alam kong nahihirapan ka ngayon, Shanra. Kahit ano man ang maging desisyon mo ay susupurtahan kita," kausap sa akin ni Tom nang lumapit siya sa akin. Mahina lamang ang boses niya dahil baks marinig ng ibang mga kasamahan namin ang aming pag-uusapa

