"Are you okay, Shanra?" nag-aalalang tanong sa akin ni Tom pagkatapos niyang gamutin ang tama ng bala sa aking balikat. Mula naman sa pagkakapikit ng aking mga mata habang nakasandig sa mahabang sofa ay iminulat ko ang aking mga mata at binigyan ng matipid na ngiti si Tom. "Okay lang ako, Tom. Salamat sa paggamot mo sa akin," umalis ako sa pagkakasandal sa sofa at sinuri ang sking sugat. Mabuti na lang at hindi bumaon ng malalim ang bala sa balikat ko kaya hindi ko na kailangan pang magtungo sa ospital para magpagamot. Kaya nang gamutin ni Tom ang sugat ko kaya sa clinic na lamang niya ako dinala. "Iniligtas mo ako kanina kaya nararapat lamang na ito ang gawin ko," mabilis na sagot ni Tom. Tumayo ito at iniligpit ang mga ginamit nitong first aid kit. "Ginawa mo ang lahat para mailigt

