Clea Mair’s POV Kanina pa ako nakauwi mula sa pakikipag-usap sa mga magulang ko. Pagdating ko pa nga lang ay agad ko nang ibinagsak ang sarili sa kama at tumitig lang sa kisame. Ubos na ang enerhiya ng katawan ko. Halos ayaw ko nang bumangon kahit na kailangan ko pang magpalit ng damit. Isa ito sa dahilan kung bakit ayaw ko din talagang umuuwi sa palasyo. Nakaka-drain tuwing pupunta ako doon dahil nakaka-stress ang mga bagay na gusto nilang pag-usapan. Tsk! Nabibilang lang talaga sa daliri ang mga pagkakataon na umaakto kaming isang normal na pamilya kapag magkakaharap. Yes, my parents are on my side on certain occasions but at the end of the day, they are still the leaders of our country and the head of our clan. They had to choose what was good for the clan, rather than think of wh

