"Hay, salamat naman at nanindigan ka na din sa wakas, Salvador Jr." Narinig naming saad na ikinatigil namin ni Badong sa paghalik sa isa't isa. "At salamat din dahil bumalik ka na, Yzebelle. Akala ko ay patuloy na lang akong manghihinayang at puro pasalubong na lang na galing sayo ang matatanggap ko." Ani ni Tita Emy at kasama na nya sina Tita Julie at Tito Aldo. "Si Ninang Emy naman. Istorbo ka po. Wrong timing ka po. Nagsweet moment pa po si Insan Badong at si Yzebelle." Ani ni Onnie. "Ano ang inirereklamo mo dyan ha, Ronaldo Jr.?" Pataray na saad ni Tita Emy at saka kinurot si Onnie sa tagiliran nya. "Aray, Ninang. Masakit po. Aray." Daing ni Onnie habang nakakurot sa kanya si Tita Emy na ikinatawa naming lahat. "Tara, BHY. Magmano tayo kina Tita at kay Tito." Bulong sa akin ni Bado

