Dahil ilang bakuran lang ang pagitan ng bahay nina Chelly sa bahay nina Neil ay tanaw ko na ang Tropang Tambays na nakatayo sa harap ng gate nina Chelly. Madadaanan namin sila kaya medyo binilisan ko ang patakbo ng sasakyan ko para nga hindi na kami mapansin ng Tropang Tambays. Eh kaso ang loka-lokang si Dhorie, aba'y binuksan pa ang bintana saka sinigawan at kinawayan ang Tropang Tambays ng matapat kami sa kanila kaya ayun nakita nila kaming nagdaan. Nakita ko sa side mirror na sinundan nila kami ng tingin. Nang makarating kami kina Ka Nilda at nang masigurado ko na maayos ang pagkakapark ko sa harap ng parlor ni Ka Nilda ay agad akong bumaba ng Honda BRV. Naka-OPEN na ang nakasabit na signage ng parlor ni Ka Nilda pero ganoon pa man ay kumatok pa din ako bago ako pumasok ng pinto gaya

