Liligawan na kita, Architect Mari Yzebelle Santo Domingo at sisiguraduhin ko na magiging tayo ang para sa isa't isa hanggang sa dulo ng kwento nating dalawa. Shit! s**t! s**t! Nakapamili na kami ng mga kapwa ko Kanto Girls, nakakain na kami ng lunch, ibinili ko din sila ng tig-iisang lechong manok at liempo para ipasalubong nila sa kani-kanilang bahay, ipinakisuyo ko din kay Dhorie yung tig-isang lechong manok at liempo para kina Tita Julie at naihatid ko na din sila sa mga bahay bahay nila ay nageecho pa din sa utak ko ang ibinulong ni Badong sa akin kanina. Nakakainis. Buti na lang din na wala ang Tropang Tambays ng ihatid ko sina Chelly at May Ann sa mga bahay nila. Kunsabagay hindi naman na ako bumaba ng sasakyan ko ng ihatid ko sila. Hindi na ako nagpakita kay Inang Lilian at kay

