"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!" Sigaw ng mga tao sa loob ng pavilion sa Madiera Homes kung saan idinaos ang reception ng kasal namin ni Badong. "Kiss. Kiss." Sigaw din nila habang binabatinting sa baso ang mga hawak nilang kutsara. As expected nangunguna ang ibang Kanto Girls at Tropang Tambays sa pagsigaw. Kanina nga ay naganap na ang church wedding namin ni Badong sa Malolos Cathedral. A month after ng civil wedding namin ni Badong. Nakasuot ako ng Filipiniana wedding gown samantalang nakasuot naman ng Barong Tagalog si Badong. Ang mga naging ninong namin ni Badong ay si Engineer Rey, si Tito Aldo, si Tito Celso, Architect Caparas at si Architect Valderama. Ang mga naging Ninang naman namin ay si Tita Ninang Emy, Tita Ninang Mira, Tita Ninang Ining, Tita Ninang Ida at si Tita Ninang Uping
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


