"Happy birthday, Badong." Nakangiti kong saad ng iabot ko kay Badong ang paperbag na kinuha ko sa loob ng bag ko. "Alam mo na birthday ko ngayon?" Gulat na tanong ni Badong sa akin. "Oo. Alam ko na birthday mo ngayon. Sabi mo nga di ba na pag mahalaga sayo ang isang tao ay dapat alam mo ang lahat tungkol sa kanya." Nakangiti kong sagot kay Badong. "Eh bakit hindi mo ako binati kanina?" Tila nagtatampong saad ni Badong. "Ay sus. Nagtatampo pa. Eh nasa byahe tayo. Alangan namang ibigay ko sayo yang regalo ko habang nasa jeep tayo." Saad ko. "Eh nung nasa gate tayo ng university nyo?" "Kasi nga nagulat ako na nandoon ka. Tapos nagmadali ka pa sa pagsakay ng jeep. Kaya paano kita babatiin?" Saad ko. "Wag na ngang kumunot ang noo mo dyan." Ani ko pa at pabiro ko pang hinimas ang noo niya.

