Tumango si Badong at kinuha ang cellphone niya. Mayamaya ay ipinakita niya ito sa akin. "Natatandaan mo ito, BHY?" Ani ni Badong habang ipinapakita ang cellphone niya. Yze: SIMULA NGAYON AY LALAYO NA AKO SA INYO, TROPANG TAMBAYS. MARAMING SALAMAT NA LANG SA LAHAT NG PINAGSAMAHAN NATIN LALO NA SA AWA NYO. TAPOS NA ANG CHARITY WORKS NYO SA AKIN. Binasa ko ang text na ipinakita sa akin ni Badong. Ang huling text na isinend ko kay Badong, Onnie, Pot at Iking na halos apat na taon na ang nakakaraan. Ang huling text na sinend ko sa kanila bago ko sila blinock at bago ako nagpalit ng cellphone number ko. "Hindi mo binura, BHY?" Gulat kong tanong kay Badong. "Hindi, BHY. Kahit na nagpalit pa ako ng cellphone ay nakasave pa din yan sa messages ko sa simcard. Ginawa kong reminder sa sarili k

