Pagpasok pa lang nga namin ng venue ay may napansin akong mga guest na nakatingin sa aming lima. Partikular sa akin kaya napayuko ako. "Huwag kang maconscious sa mga tingin nila. Maganda ka kaya taas noo lang." Bulong sa akin ni Badong na nasa kaliwa ko. Napansin niya na napayuko ako. "Tama si Badong. Chin up lang, Yze, dahil hindi ka lang maganda kundi mabuti ka ding tao." Bulong naman ni Onnie na nasa kanan ko. "Baka lumaki na ulo ko nyan sa mga sinasabi nyo." Pabiro kong saad na ikinatawa naming tatlo. Sabay pa nilang iniumang ang tig isang braso nila pareho sa akin kaya humawak ako pareho sa kanila. O di ba, ang ganda ko. Apat ang escort ko. Hahaha. "Grand entrance kayo ha." Nanunuksong saad ni Ronnel na boyfriend ni Chelly nang makalapit kami sa table na inookupa nila. Nakapeace

