Alice POV:
Maaga pa lang gising na ako. Nakapag-exercise na ako at nagawa lahat ng morning routines pero si Davdream tulog pa din. Hindi ko na siya magising kagabi dahil tulog na tulog siya. napa-bumuntong hininga na lang ako at pumasok sa kwarto ko saka nag-shower.
Hindi naman ako kasing tagal maligo ni Dav, mabilis lang ako maglinis ng katawan. Sa aming dalawa hindi man halata pero mas maarte si Dav sa katawan.
Paglabas ko ng banyo naka hubot hubad akong naglakad sa loob ng kwarto ko habang pinapa-tuyo ko ang maikli kong buhok and after that saka ko naman pinunasan ang katawan ko saka naghanap ng oversized shirt at panty. Iyon lang ang suot ko na lumabas ng kwarto at pumasok naman sa kwarto ng ka-kambal ko na katabi lang din ng kwarto ko.
Naiiling na napamewang ako habang hinahagod ng tingin ang buong katawan ni Dav. Paano ba naman kasi nakataas yung dalawang kamay niya tapos naka-bukangkang siya na natutulog at yung damit niya nakataas kaya kitang kita yung tiyan niya at kaunting parte ng dibdib niya.
"Dav, gising." Sabi ko at niyugyog siya. "Dav.."
"Hmm..." Kumilos siya para tumagilid na ikinabuntong hininga ko ulit.
"Gumising ka na diyan male-late ka na sa Krich University." Agad na napa-upo siya at kumukurap kurap ang matang nakatingin sakin.
"Morning.." Aniya saka humikab.
"Bilisan mo na jan. Tumayo ka na and do your morning routines. My gang is waiting you there. You didn't tried to act like me last night you sure you can do this?" Tumayo siya saka walang imik na tumango at naglakad papasok sa banyo niya. "Hihintayin kita sa baba." Lumabas ako ng kwarto at natigilan ng makita ko si Aling Tesa.
"Hija, naihanda na namin ang agahan ninyong magkapatid." Aniya saka tipid na ngumiti na sinagot ko din naman ng tipid na ngiti din.
"Ok po Aling Tesa susunod na lang si Davdream sa baba, tayo na ho."
"A-ah.. sige."
"Ayos lang ho ba kayo?" Takhang tanong ko dahil para bang nababahala siya.
"Oo naman, ayos lang ako."
"Kung problema ho kayo sabihin niyo lang. Utang din po namin sainyo kung bakit buhay pa kami ngayon na akay akay ang yaman ng magulang namin. Dahil paniguradong sa kalye po kami pupulutin ngayon." Saglit na tumango si Aling Tesa at nag-iwas ng tingin. "Tara ho baba na tayo."
Habang pababa kami naalala ko ulit yung trahedyang nangyari sa buong pamilya namin. Nagpaalam lang sina mom and dad na pupunta sila sa main mansion kung saan nagtitipon lahat ng elder at mga kapatid at pinsan nila. Kilalang kilala ang apelyido nila mom and dad sa buong asya lalo na ng magsanib ang dalawang pamilya dahil sa pag-iisang dibdib nila mom and dad.
But at the same time mas lalong dumami ang kalaban nila dahil takot sila sa yaman at kapangyarihang kaya ng pinag-isang pamilya kaya ng dumating siguro ang pagkakataon ng mga kalaban saka nila inubos ang lahat ng pamilya namin. Lahat ng tagapagmana at lahat ng magulang namin. Kami na lang ni Davdream ang natitira na ilang beses din na napasok sa peligro dahil threaten pa din ang mga kalaban sa existence naming magkambal pero dahil sa lahat ng yaman ng buong pamilya namin at mga natitirang loyal na tauhan namin nanatili kaming ligtas maliban na lang nuong pitong taong nakakaraan. Dalawang taong nawala si Davdrean at bigla na lang siyang bumalik na para bang hindi siya nawala ng dalawang taon.
Ginawa ko ang lahat para malaman kung anong nangyari sakanya pero wala akong nakuhang impormasiyon na kahit ano wala ding sinasabi sakin si Dav at kahit mag-tanong ako sakanya nuon hindi niya sinasagot tapos lumipas naman ang anim na taon. Last year lang nangyari. Nawala ulit si Dav at bumalik na hindi naaalala kung ano ang ginawa niya sa isang taong nawala siya.
Kaya sa mundong ginagalawan namin mas kilala ako kahit mafia queen si Dav. She told me that only her people and her clients knew her. May rule sakanila na hindi pwedeng ipagkalat ang pagkatao niya maski pag-banggit ng pangalan niya. Hindi ko alam kung bakit pero ang iniisip ko para sa kaligtasan niya. Wala akong maisip na ibang dahilan kung bakit. Wala naman na sigurong iba pang rason diba?
"Hmm! I smell... Chicken Curry, Butter Shrimp and Sinigang na Salmon na may Miso!" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Dav. Ganoon ba siya kagutom na naamoy niya lahat ng ulam mula sa pangalawang palabag? Ang layo kaya ng agwat ng hapagkainan sa kinatatayuan niya. Ako ngang gutom din hindi ko naman namoy lahat ng eksaktong ulam lalo na yung sinigang na salmon na may miso dahil may sinigang na hipon din at sinigang na baboy at saka bangus.
"Ang lakas talaga ng pang amoy mo hija." Bungad ni Aling Tesa ng makapasok si Davdream.
"Ofcourse! That's my favorite foods!" Malaki ang ngiting sabi niya. "I can also smell if you people put a poison there."
"Anong sabi mo?" Takhang tanong ko kasi may sinabi si Dav na hindi ko gaanong nabigyan pansin kaya hindi ko naintindihan yung sinabi niya.
"Ha? May sinabi ba ako?" Takhang tanong niya.
"Wala ba?" Balik tanong ko din.
"Wala naman." Aniya saka umupo sa tabi ko at nagsimula ng maglagay ng pagkain sa plato niya. Maybe it's nothing important. Inabot ko na din ang ibang pagkain at nagsalin sa plato ko.
Davdream POV:
"Goodluck Dav, always be careful. Marami akong kalaban. Or should I call our butler to protect you?" Nginitian ko si Alice.
"No need Ali. I'll go now. Goodluck to you too." Paalam ko. "And don't fetch me. I told butler Jim to bring my baby here." Nagdalawang isip pa siya pero tumango din si Alice. "Take care."
"Thanks. You too." Tumango lang ako at sinundan ng tingin ang papalayong sasakyan ni Alice. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko nilingon ko ang paaralang si dad mismo ang nagpatayo. And one thing to say is.... it's filthy and it's stinks. Naglakad ako papasok sa loob at lahat ng nagkakatuwaan ay natigilan ng makita ko. Sandali pa silang nanigas saka may isang naglakas loob na sumigaw na papasok na ako kaya kanya kanya silang urong para bigyan ako ng daan at habang naglalakad ako yung bulungan nila dinig na dinig ko.
"Queen, kumpleto na po ang lahat ng kings sa headquarters. H-hinihintay ka po nila." Headquarters? s**t! Ngayon ko lang na-realize wala akong alam sa lugar na to. Kailangan makuha ko ang blueprint ng university na to.
"Lead me to them." Sabi ko sabay pasok ng dalawa kong kamay sa bulsa ng jacket na suot ko.
"P-po?"
"I said lead me them." Hindi siya umimik kaya nilingon ko siya na ikinabigla naman niya.
"M-masusunod po." Naglakad siya ng parang tanga pero hindi na ako nag-reklamo. Sinundan ko na lang siya hanggang sa umabot kami sa bandang kagubatan pero may isang may kalakihang building ang naruon. "N-nandito na po—"
"You may go." Yumukod siya at mabilis na tumakbo paalis. Lumapit ako sa pinto at binuksan yun at agad na bumungad sakin ang tatlong kalalakihang mga naka hubad baro at pawisan at dahil sa pagbukas ko nakagawa yun ng ingay at sabay sabay na dumako ang paningin nilang lahat sakin saka nagkakandarapang tumakbo sakin at niyakap ako ng mahigpit na ikinagulat ko.
"Queen! Na-miss ka namin!" Sigaw ng isa sa tatlong nakayakap sa akin.
"Yeah, me too but let go please? Pawisan kayo at nanlalagkit I just spray my victoria secret at baka amoy niyo na ang dumikit sa suot ko." Agad silang dumistansiya sakin.
"What happened to you queen?" Gulantang na sabi nilang tatlo. Partida sabay sabay pa sila. But suddenly I remember that Alice is not stagy as I am. Gustong gusto nun na tagaktak sa pawis na pinaka inaayawan ko naman. Tumikhim ako at sinimulang magpalusot.
"Wala naman. Medyo wala lang ako sa mood." Sabi ko pero hindi umimik yung tatlo. Nakatitig lang sila sakin na para bang pinag-aaralan nila ako. Hindi naman ako nabuking hindi ba? And come to think of it mas gwapo pala sa personal ang mga lalaking to. Pinakakilala sila sakin ni Alice sa picture na may pangalan nila para hindi kami mabuko.
"Queen, may war pala tayo mamaya." Pag-babasag ni Charls sa katahimikan.
"A war..." Sumeryoso ang mukha ko saka umupo sa couch na malapit sakin at dume-quatro. "What time?"
"Exactly 8:40 in the evening." Sagot ni Max
"Do you have a plan?" Tanong ko na ikinakunot ng nuo nilang tatlo. Hey! Hey! Hey! Don't tell me Alice never had a plan? That sister of mine... reckless at always.
"N-none." Sagot ni Trenz na halatang nagtataka sa inaakto at mga tanong ko.
"I ahm, I wanted to try what it feels to have plans.. so, yeah." Sabi ko na ikinatango nila. "Anong grupo pala ang makakalaban natin?"