"Davdream!!" Napalingon si Davdream sa taong tumawag ng pangalan niya at agad siyang napangiti ng makitang si Melai ito, ang matalik niyang kaibigan.
"Melai!"
"Gaga ka! Lagot tayo sa terror nating adviser!" Sita ni Melai pero tatawa tawa naman. "Anyway, tutal late naman na tayo at mase-sermunan tayo ng advisory natin. Bakit kaya hindi na lang tayo mag-cutting? Punta tayo ng canteen!"
"Kaya lab na lab kita e!" Tuwang tuwa na sabi ni Davdream. "Paunahan tayo sa canteen Mel! Ang mahuli manlilibre!" Isang kalokohan nanaman ang pumasok sa isip ni Davdream but Melai became a friend of Davdream for a reason. Parehas silang maloko at puro kabaliwan ang iniisip dahil mabilis na tumabi si Melai kay Davdream at ginawa nilang starting line ang guhit na nakapagitan sa tiles na inaapakan nila.
"Ready?" Malaki ang ngiting tanong ni Melai at nakapusisyon na at handa ng tumakbo.
"Yup." Huminga ng malalim si Davdream at pumosisyon na din. "On your mark... ready... get set— go!" Mabilis silang kumaripas ng takbo at naguunahan papunta sa canteen but they're not in a sport center or in another place to run freely. They are in a corridor where students and teacher normally walking because they're inside of school kaya hindi na ka-taka-taka ng bumungo si Davdream sa isang tao at tumilansik paupo sa sahig at si Melai na muntik pang madulas dahil madulas naman talaga ang sahig ng corridor. It's a tiles after all.
"Aww.." Daing ni Davdream habang nakangiwi at pinapalipas ang sakit sa pag-kakasalampak ng pang-upo niya sa sahig.
"Ayos ka lang Dav?" Nag-aalalang tanong ni Melai sa kaibigan.
"Ayos lang naman, buhay pa ako eh." Ganting biro naman ni Davdream.
"Baliw." Natatawang sabi ni Melai.
"Alice?" Sabay na lumingon sina Davdream at Melai sa direksyon ng nagsalita. It was a handsome man. Melai is speechless while Davdream is clueless. The man called him Alice but she's not Alice. He must've mistaken her as her twin sister. Pero ang pinagtataka niya sa tono ng pagsasalita ng lalaki at sa klase ng pagtitig nito sakanya para bang kilalang kilala na nito ang kapatid niya, but not enough to identify her twin sister because she is none other than Davdream a minute younger from Alice. "Alice... Ikaw nga.."
"Eherm... Pogi— I mean kuya, hindi siya si Alice wonderland. Siya si Davdream my friend." Singit ni Melai na nakabawi sa ka-gwapuhan ng lalaking kaharap nila.
"Davdream?" Nagtatakang sabi ng lalaki at lumingon muli sa direksiyon ni Davdream na iniinda pa din ang pang-upo. "You're really good at pretending." Tila may pang-iinsultong sabi ng lalaki. "But I can't believe that you're still pretending like it was your second skin. She's your friend and I wonder if she knows the real you."
"I don't know what you're talking about and I don't give a f**k but help me because my butt is aching!" Sigaw ni Davdream at pinukol ng Masamang tingin ang lalaki. "Ikaw ang dahilan kung bakit ako na ano kaya anohin mo ako dahil baka ma ano kita."
Mabilis na lumapit sa tabi ni Davdream si Melai at siniko siya. "Hoy, nagpapa-cute ka ba?" Bulong ni Melai habang nakatingin sa lalaking nakatitig kay Davdream.
"Hindi! bakit naman ako magpapa cute kung maganda na ako?" Napa poker face ang kaibigan niyang si Melai at pasimpleng kinurot sa tagiliran si Davdream. "Aray naman!"
"Ang hangin ah! Kainis to." Nakangusong sabi ni Melai at muling nagnakaw ng sulyap sa gwapong lalaki. "Sayo na nga lang ang pogi na yan. Mukhang dead over heels na agad sayo eh. Ano pang laban ko? Itchuserang frog ka."
Pa-simple namang siniko ni Davdream ang kaibigan at bumulong. "Ayoko nga. Hindi ko naman yan kilala saka... pogi na ba yan sayo?" Nanlalaki ang mga matang nilingon ni Melai si Davdream.
"You must be blind my friend!" Hindi makapaniwalang sabi ni Melai na sinagot naman ni Davdream ng kibit balikat. Marahang umiling na lang si Melai at tumayo saka lumapit sa lalaking gwapong gwapo siya. "Earth to you mister!" Agaw pansin ni Melai sa lalaki. "We may still at fault for running in the corridor but you're also at fault for being so matcho—" Tumikhim si Melai at muling nagsalita. "Nevermind. But could you help my friend? Hindi ko kasi kayang dalhin ang kaibigan ko papuntang clinic ng ako lang."
Walang sere seremonya namang lumapit ang lalaki at binuhat si Davdream na saglit na napatili sa gulat. Wala silang imikang tatlo hanggang sa umabot sila sa clinic at pumasok sa loob. At ang bumungad agad sakanila ay ang Doctor ng clinic na abala sa mga papel na nagkalat sa lamesa at ang laptop nito na unti lang ay papasok na sa loob ang doktora sa sobrang lapit ng mukha nito sa screen.
"Ate joy." Agaw pansin ni Melai sa Doktora na agad tumingin sakanila at mabilis na tumayo.
"Anong nangyari? Ok ka lang ba Dav? May masakit ba sayo? Ano?" Sunod sunod na tanong ng Doktora na si Joy.
"Medyo OA ate Joy ah. Ako nga nung dumudugo ilong ko dahil natamaan ako ng volleyball sa mukha hindi ka naman ganyan mag-alala sakin." Birong tampo ni Melai.
"Matigas naman bungo mo kaya kayang kaya mo yun." Nag make face na lang si Melai at hindi na nagsalita pa. "Paki higa na lang sa kama ang pasyente— you are?" Inilapag ng lalaki si Davdream sa kama at humarap sa doktora.
"I'm done here." Yun lang at walang sabi sabing umalis ang lalaki sa loob ng Clinic.
"Boyfriend mo?" Ngiting asong tanong ni Joy kay Davdream.
"Hindi ate." Umiiling iling na sabi ni Davdream.
"Hindi pa. Mukhang lalapain siya ng gwapong lalaking yun eh pero Dav kung ayaw mo sakanya willing naman akong tanggapin siya." Naka puppy eyes na sabi ni Melai na ikinatawa nila ng Doktora.
"Ewan ko sainyo. Kahit kailan talaga baliw kayong dalawa. Lumayas na kayo dito at marami pa akong ginagawa."
"Eh? Paano si Dav ate Joy." Tanong ni Melai.
"Davdream is fine. Look at her. Pahila-hilata lang yan pero nawala na ang p*******t ng pang-upo niyan." Masamang pinukol ni Melai ng tingin si Davdream na ngayon ay pangiti ngiti na.
"Sabi na eh! Nagpapa cute ka lang talaga!"
"Look Melai, my butt is really aching earlier. Hindi ako nagpapa-cute and why would I do that?"
"Because you have a crush on him!"
"Crash?! Why would I have a crash on him? And what kind of crash I gave on him?" Kunot ang noo na tanong ni Davdream.
"Eh anong klaseng crush ba ang nasa isip mo? Minsan talaga nakaka-tanga ka kausap eh. Ilang taon ka bang tinago ng mga magulang mo at ang dami mong hindi alam? Maraming alam na kalokohan tayong mga millennial ngayon at ikaw lang ang millennial na hindi updated." Naiiling na sabi ni Melai. "C.R.U.S.H. Crush, isa yung paghanga sa isang tao. Gets mo na?"
"Yes I get it but I don't get it why I have a crush on that guy eh wala namang kahanga hanga sakanya saka ngayon lang kami nagkita para hangaan ko siya agad." Napa-tampal sa nuo si Melai at nagpipigil naman sa tawa si Joy dahil sa sinabi ni Davdream.
"Let's not talk about it. Masisiraan lang ako ng bait sayo." Naiiling na sabi ni Melai.
"When the days are cold and cards all fold and the saints we see are all made of gold~"
Kinuha ni Davdream ang cellphone niya sa bulsa at tinignan ang caller at ng mapagsino iyon tumingin siya kina Melai at Doktora Joy na tinatawag nilang ate.
"Ate Joy pwedeng kayo na ang bahalang mag excuse sakin? Emergency lang. pasensiya na pero kailangan ko talagang magmadali. See ya!" Tumakbo paalis si Davdream at walang lingon likod na dumiretso sa parking lot.