Sina Steph at Greg naman ay nasa fitting ng gown. Ngayon ang appointment nila upang malaman kung may alterations pa na kailangang gawin. "Gorgeous..." Hindi napigilan ni Greg na sabihin ang salitang iyon nang makita ang fiancée niya na naka-gown. "How was it, Mr. Laxamana?" tanong ng owner ng shop. "I like it. And I think that she likes it too." natuwa naman ito sa sinabi ni Greg. Wala nang adjustments na gagawin dahil eksakto sa description ni Steph ang pagkakagawa sa gown. Nang matapos sukatin ay nagpalit na ng damit si Steph. "Hun, sobrang bagay sa'yo ang gown na iyon. I can't wait to see you walking down the aisle while wearing it." napangiti naman si Steph. "Ikaw naman. Nambola pa. Magpapakasal naman tayo kahit hindi mo sabihin iyan e." saka pinisil ang magkabilang pisngi. "Serio

