Sa loob ng isang taon na pamamalagi niya sa puder ni Greg ay marami siyang natutunan na never itinuro sa kanya ni Gino noon. Kung paano maging isang respetadong tao. Iyong makita lang ng ibang tao ay irerespeto ka at hindi puro katawan ang habol sa'yo. Iyong sa unang tingin ay talagang iisipin mong edukada siyang tao. Pinag-aral siya ni Greg at pinaturuan sa tutor. Hinubog siya bilang isang kagalang-galang na damit. Kung tutuusin ay hindi naman mahalay ang suot niya nang makita siya ni Stella. Sadyang insecure lang ito dahil maayos ang trato ni Greg sa kanya. At isa pa ay hindi alam ng mga tao na sa bahay ito ni Greg nakatira. Ang alam lang nila ay backer niya sa trabaho si Greg. Kaya naman inakala ng iba lalo na si Stella na inakit niya si Greg. Kung ganoon kababa ang tingin nila sa bin

