"Good morning..." pupungas-pungas na sabi ni Greg sa babaeng katabi kahit na tulog pa ito nang makita ang oras sa nakasuot nitong relo sa kamay. Humalik ito sa noo ni Steph. Pasado alas-sais na ng umaga. Sumilay ang ngiti nito. Hindi niya napangatawanan sa sarili na hindi niya gagalawin ang babae habang hindi pa sila kasal. May mga pagkakataon talagang hindi natutupad ang plano o pangako kapag hiningi ng pagkakataon. Katulad nang nangyari kagabi. Ngunit walang pagsisisi roon. Pareho nilang ginusto at pareho nilang paninindigan ang isa't isa. Lalo na siya. Mahal niya si Steph at handa siyang harapin ang kahit ano pa mang consequences na kaakibat nito. "Two breakfasts in bed set please," saad niya sa kausap sa telepono. Isa sa services na ino-offer ng hotel ay ang breakfasts in bed. At ayaw

