"Doc, kumusta ho ang pasyente?" tanong ni Hazel. "Okay naman siya. Nawalan lang ng malay dala ng over fatigue." tumango ito at iniwan siya ng doctor sa kuwarto na kinaroroonan ni Greg. Siya na ang nag-asikaso ng lahat dito. Eksaktong tinawagan niya ito ng maiwan ni Greg sa kuwarto ni Lauro ang telepono niya at sinagot ng kasambahay ang tawag. "Sir Greg, sorry po sa abala. Alam kong nakabakasyon kayo pero emergency po kasi---" naputol ang pagsasalita nito nang marinig ang babae sa kabilang linya. "Ma'am? Excuse me po." sabi nito. Napahinto siya sandali saka muling nagsalita. "Si Sir Greg po?" tanong niya rito. "E ma'am kasambahay po ito. Naiwan ni Sir Greg ang telepono niya. Isinugod po siya sa ospital." sabi nito na agad namang nataranta si Hazel. "Ay hala! Totoo ho? Saang ospital ho

