Ilang minuto habang nasa biyahe si Greg patungo sa probinsya kung saan nagtungo si Steph para puntahan si Gino ay binabagtas niya ang kinaroroonan ni Steph. Lihim niyang nilagyan ng location tracker ang cellphone ni Steph noon bago siya umalis ng Pilipinas at tumungo sa business trip. Alam niyang ano mang oras ay tutungo si Steph sa anak nito at kailangan niyang masiguro na mapupuntahan niya ito saan man ito naroroon. At hindi nga siya nagkamali. Pag-uwi pa lamang niya at nalaman niyang hindi umuwi si Steph ay alam na niya kung nasaan ito. Tuso si Gino at siguradong lilinlangin nito ang asawa niya. "Steph..." bulong niya habang nagpapapalit-palit ng tingin sa waze at sa tracker na kinaroroonan ni Steph. Nag-aalala siya na baka kung anong gawin nito sa asawa niya katulad ng pambubugbog ni

