Sa totoo ay ipaggo-grocery sana siya ni Mylene. Ngunit wala nang nagawa si Greg nang tumanggi siyang muli na maging kasambahay ito pati na rin ang ipaggrocery siya. Nagulat pa siya nang pumayag kaagad si Greg nang tumanggi siya. Ngunit pasalamat siya dahil hindi siya nahirapan na tanggihan ito. "Nemen, friend. So kakain ba tayo o kakain?" tanong nito nang saglit siyang napatulala. "Siyempre naman, kakain." kaagad siyang kumuha ng plato at mga kubyertos. Tinulungan din siya ni Gracia na maghain. "Pero alam mo, friend. Duda na talaga ay sa kindness ni Sir sa'yo. Hindi naman sa pinagdudahan ko ang kindness niya. Pero promise, hindi talaga siya ganoon dati." heto na naman si Gracia sa mga kuwento niyang malayo sa pagkakakilala niya kay Greg. "Ewan sa'yo, Gracia. Mukha namang hindi si Sir G

