MESS

2450 Words
NAKALABAS si Tangi ng filming room nang walang aberya. Dire-diretso lang siya na nilagpasan ang kaibigan na si Aleli at boyfriend na yata nitong si Gerson. Ganoon naman ang kaibigan niya, kapag alam na malakas ang topak niya ay hinahayaan lang siya. Pero alam niyang sa mga susunod na araw ay okay pa rin naman sila. Ganoon talaga, may kaniya-kaniyang ups and down ang mga tao. May mga sariling karupukan kaya hindi niya masisisi ang kaibigan kung nagsabi ito kay Gerson at Thorn. Simula pa lang kasi ay tutol naman na talaga si Aleli sa pakikipagsabwatan niya kay Crey Acostal, hindi lamang siya nakinig dahil alam naman niyang mali iyon. Kapag alam niyang mali ang gagawin niya ay sinasara niya ang utak niya't pakiramdam sa lahat. Hindi mo naman kasi gagawin ang tama at mali nang walang consent mula sa sariling utak mo. "Lalabas ka ng gusaling 'to na ganyan ang hitsura mo? No hindi ka man lang nakapagbihis dahil sa kagagawan mo," anang sumalubong sa kaniya sa pasilyo—si Doña Lolita. "L—Lolly…" Napatingin si Tangi sa suot niya. Iyon pa rin kasing suot niya sa shoot iyon dahil tama naman ang matanda, hindi na nga siya nakapagpalit dahil nag-walk out na siya kaagad pagkatapos ng kaniyang ginawa. "Sinalubong talaga kita rito." "Lolly, let me explain—" Pinagmasdan lang siya ng doña, iyong klase ng tingin na sobrang disappointed ito sa kaniya. Given naman na ganoon siya tignan nito pagkatapos ng eksenang nagawa niya kaya hindi niya alam kung bakit nais niyang ma-guilty bigla sa harap ng matandang babae. "I'm so disappointed in you, Natatangi. Wala ka namang dapat na i-explain dahil alam ko naman ang lahat." "Lolly, hindi mo ako naiintindihan—" "And who told you?!" asik ng doña sa kaniya. Napayuko siya, napagdiskitahan ang mga daliri sa kaniyang magkabilang kamay. "K—Kung naiintindihan niyo po ako ay hindi kayo magagalit sa 'kin ng ganyan." "Naiinis ako sa 'yo ngayon dahil na-disappoint mo ako. Umasa ako at ang aking apo na hindi mo itutuloy ang plano mo. Hindi ako kasing tanga ng inaakala mo, Tangi. Noon pa ay alam ko nang nakakausap mo na si Crey Acostal." "Lolly, I'm sorry." Iyon lang naman ang masasabi niya sa doña. At least, kahit dito man lang ay maiparating niyang nasasaktan din siya sa nagawa. Umiling ang matandang babae. Nanatiling nakatitig lamang sa kaniya. "Sinabi ko na sa 'yo, sobrang halaga ng mga naiwan na ito kay Thorn. Hindi dahil sa pera kundi mas iniintindi niya ang kaniyang sarili. Hindi nais ng apo ko na makaagrabyado pa ng tao, tapos na kasi siya sa phase na 'yon." Bumuntong-hininga ang doña, "But you know what? Naisip kong ganito nga siguro talaga ang mangyayari upang matuldukan din ang lahat. Narito na rin lang tayo, nagawa mo na ang nais mo, hayaan mong masabi ko sa 'yo na ako ang nagmamaneho ng kotseng naging rason ng kamatayan ng lola mo." Napaamang si Tangi. Aminado siyang wala siyang gaanong alam sa naging aksidente ng kaniyang lola dahil masamang-masama ang loob niya sa tadhana. Kusang nag-shut down ang lahat sa kaniya sa pagkawala ng nag-iisang tao na nag-aruga sa kaniya. "K—Kayo po…" "Pinirmahan mo ang areglo at tinanggap mo ang pera nang hindi mo man lang daw binasa ang papel, nabanggit 'yan lahat sa amin ng lawyer ni Thorn. Abala kami sa naging pag-aayos ng lola mo sa funeraria kaya siya lang ang humaharap sa 'yo. I'm wondering right now kung alam mo bang ni hindi man lang nga sumagi sa katawan ng lola mo ang kotse ng aking apo? Na ang siyang kinamatay niya ay pagkabagok sa kalsada. Natimbuwal na siya bago pa tumama sa kaniya ang nguso ng sasakyan." Wala siyang alam. Hindi niya talaga alam ang mga naririnig mula kay Doña Lolita ngayon. Kahit ang tungkol sa funeraria, hindi na niya namalayan… "Hindi naman kita masisisi, ikaw ang nawalan. Mahirap, sana lang ay makaahon ka pa. Hindi kasi maaaring ganyan ka na lang. In the first place, naging eager ang aking apo na matulungan ka pagkatapos niyon dahil na rin sa ugali mong 'yan. Inilihim niya sa 'kin ngunit nakalimutan niya yata na katulad mo ay ako na lola niya ang nagpalaki sa kaniya. Bago pa kumilos si Thorn, bago ka pa niya iuwi, alam ko na kung sino ka sa buhay niya," walang emosyon na wika pa ni Doña Lolita. Ewan niya, hindi niya alam kung saan napunta ang emosyon ng matanda. Para tuloy siyang tinadyakan sa sariling sikmura dahil sa lamig ng boses na ginagamit nito sa kaniya ngayon. "Usually, Thorn didn't give a damn—sa lahat. Gusto ko lang sabihin sa 'yo para alam mong kahit ang ginawa mong 'to ay kaya niyang balewalain kung gugustuhin niya." Nasapo ni Tangi ang sariling noo, sumakit yata iyon bigla kahit wala naman siyang kirot na nararamdaman sa parteng iyon ng kaniyang katawan. "Bueno, maiwan na kita," Kibit-balikat na paalam sa kaniya ng doña nang mapuna yata na wala siyang plano nang magsalita. "Dalangin ko ang kaligtasan mo, Natatangi. Sa muli ay humihingi ako ng pasensya sa nangyari sa 'yong lola. Walang araw na hindi iyon nakadagan sa dibdib ni Thorn, kung sa kaalaman na iyon ka mas sasaya, ako na ang magpapatunay sa 'yo, kinakain siya ng guilt kahit hindi naman siya ang may hawak ng manibela noon," pagwawakas ng matandang babae. Nakatalikod na at lahat ang huli ay nanatili pa rin siyang nakatungaga roon. Kung hindi pa dahil sa mainit na mga luha na naramdaman niya sa magkabila niyang pisngi ay hindi pa siya matitinag. Marahan na hinampas niya ang kaniyang dibdib bago siya nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa elevator na siyang maghahatid sa kaniya palabas sa gusaling iyon. TALUNAN na lumabas si Thorn sa kuwartong iyon. Talo siya sa pustahan nila ni Gerson pero sa kaniya pa rin naman daw si Buwi. Well, at least, hindi sila magkakawalay ng kaniyang mahal na kotse. Galing pa naman sa trauma si Buwi dahil sa lola niyang pakialamera sa manibela. Pakonswelo na lang din ng tadhana ang BMW sa kaniya sa nakakaputang ina na nangyari, kanina lang. "Naghihintay siya sa may left elevator, Sir," anang isa sa mga bodyguard niya. Nagsalita ito sa earpiece na nakasuksok parati sa mga tenga nila para sa ganoong mga pagkakataon. "Copy. Hindi na siguro kailangan na i-block ang daan niya, aabutan ko pa siya sa left wing, I'm on my way there," tugon ni Thorn. "Alright, Sir. Paakyat na kami." "Yeah. Kailangan ko ng companion later," tipid niyang sagot. Malalaki ang hakbang na tinahak na niya ang daan patungo sa kung nasaan na si Tangi. Kung inaakala ng babae na matatakasan siya nito sa sarili niyang gusali ay naku naman, hinding-hindi iyon mangyayari. Hindi rin siya ang klase ng lalaki na susukuan na lang ang ganu'ng klase ng topak na pinamalas nito sa kaniya. "ANO na ang mangyayari kay Tangi? Baka ipakulong siya ni Thorn! Awatin mo kaya ang boss mo, huy?!" Pagak na natawa si Gerson sa pagkatarantang pinapakita sa kaniya ni Aleli. "To be honest ay hindi ko rin alam kung ano ang magagawa niya sa kaibigan mong pasaway." Maingay at OA na suminghap naman ang babae. "Hala! E, 'di awatin mo nga! 'Wag mong hayaan, ano ka ba! Gusto mo bang maging kriminal si Thorn?" Umiling-iling ang lalaki. "Hindi puwedeng awatin 'yon. Sawayin mo si Thorn, mas lalong mag-iinit lang. Saka miss, sa inyong dalawa ay si Thorn ang boss ko, kaya utos lang niya ang susundin ko dito sa gusaling pag-aari niya." Napaigik na lang ang bodyguard nang hampasin siya ng babae sa kaniyang braso. "Nakakainis ka! Kapag si Tangi ay napahamak, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Ako ang nagsuplong sa kaniya sa inyo." Mahinang pinitik ni Gerson sa noo ang makulit na babae. "'Wag mo silang problemahin, matatanda na ang mga 'yun. In fact, wala pa ngang utos sa 'kin si Thorn. Sigurado akong sa ibang bodyguard niya lang may inutos 'yon. Hinayaan na niyang magkausap tayo kaya gano'n." "M—Magkausap? Tayo? Ha? Bakit naman?" maang-maangan ni Aleli. Umingos pa. Malakas na natawa na lang siya bago kinuha niya ang isang palad ng makulit na babae, pinisil niya iyon, na kinamula naman ng mga pisngi nito. "Ikaw nga pala ang isa sa buting dulot ni Natatangi sa 'kin, hindi ko pa pala nasasabi sa 'yo 'yun." "Ano?!" "Oo, ikaw. Kahit makulit ka at ikaw ang nanligaw sa 'kin, may mabuting dulot ka naman sa buhay ko. Kahit gano'n ang kaibigan mong 'yon, siya pa rin naman ang dahilan kaya kita nakilala." Mas namula lang ang mga pisngi ng babae nang dahil sa mga sinabi niya. "Gerson, ikaw ha, pinapakilig mo na 'ko. Samantalang ang crush ko naman ay si Thorn!" Nagkibit siya ng mga balikat. "Crush ng bayan talaga 'yun. Crush nga rin siya ni Gianna." Nanlaki ang mga mata ng babae. "Ay, weh? Hindi nga?" "Crush lang naman. G'wapings ang boss namin kaya crush ng bayan, gano'n lang 'yun," simpleng saad ni Gerson. Besides, wala naman nang bago sa mga babaeng nagkaka-crush na tila teenager sa boss nila. "Gerson! Where's Thorn?!" Magkapanabay na nilingon nina Gerson at Aleli ang humahangos na si… "Gianna…" *** KUNOT ang mga noo na pinakinggan ulit ni Thorn ang sasabihin sa kaniya ng isa sa mga bodyguards niya. Nakausap niya pa lang kasi ito kanina. "Ako 'to." Si Gerson pala. "What?" Tiyak niyang may dahilan na ito kaya nagsalita sa earpiece kaya hindi 'why' ang tinugon niya. "Nandito si Gianna. Magpapa-press release raw." "Ah, talaga," hindi interesadong sabi niya, "Well, hayaan mo siya. For the sake of so-called freedom of speech, just let her." In-off na niya ang earpiece pagkatapos niyang sabihin iyon. "It's up to her." Bahala nang talaga si Gianna Harmonica sa gusto niyang mangyari. Nagtatampo pa siya sa babae pero hindi naman mahirap para sa kaniya na amining natutuwa siya sa press release na gagawin nito. Patunay lamang kasi iyon na medyo hindi na yata totoo ang sinasabi niyang peste ang pag-ibig. Heto nga kasi at ang pag-ibig na pinukaw sa kaniya ng babaeng kakapasok lang sa elevator ay kaniyang hahabulin. Kung peste naman kasi ang pag-ibig, bakit pa niya hinahabol? Hindi naman siya kabilang sa buhok na matatagpuan sa pang-ibabang parte ng ito upang maging ganoon kagulo siguro. Ang tiyak lang ay siya ang may-ari ng gusaling iyon kaya hindi siya maaaring mapagsaraduhan ng pinto ng elevator na iyon. AWTOMATIKO ang pamimilog ng mga mata ni Tangi nang maamoy niya sa hangin ang expensive na pabango ni Thorn. Hindi nga siya nagkamali, nang mag-angat siya ng ulo mula sa pagkakayuko ay ang lalaki nga ang nagmamadaling humabol na makapasok sa elevator bago iyon tuluyan na sumara. "T—Thorn—" naudlot ang dapat na sasabihin ni Tangi. Mariin na napapikit na lang siya sa kabiglaan, walang salitang sinuntok kasi ng lalaki ang metal wall kung saan siya nakasandal. "Alam mo bang galit na galit ako sa sarili ko ngayon dahil hindi kita dapat na sinundan?! Isa ka kasing peste. Isa ka sa mga binili ko na lubos kong pinagsisisihan kung bakit ko pa natipuhan na bilhin," ani Thorn sa paasik na paraan. Sumagap siya ng hangin bago lakas loob niyang dinilat ang kaniyang mga mata at salubungin ang mababagsik na mga tingin ng lalaki. Wala rin naman siyang choice, nakakulong na siya sa mga bisig nito. Hindi rin siya nagkamali, mabilis masyado ang naging kilos ni Thorn kanina, hindi man lang niya napunang na-lock nito ang elevator, na-off din nito ang mga ilaw dahil sa obvious na rason—upang maitago silang dalawa sa CCTV ng elevator na iyon. Pero bakit ba sinisita niya pa ang mga iyon? Samantalang ang mahalaga lang naman sa puso niya sa mga oras na iyon ay ang maanghang na salita ng lalaking kaharap niya. . . "H—Hindi ako magso-sorry sa 'yo, Thorn." Sarkastikong iningusan siya ng lalaki. "Alam ko na rin 'yan." Nakakatakot ang Thorn na nakaharap sa kaniya ngayon, dapat na aminin niya iyon. Ganito ang itsura ng lalaki noong malaman nito ang kapalpakan ng mga empleyado patungkol sa kontrata ni Gianna Harmonica. Galit na naman ang bilyonaryo, at sa pagkakataon na ito ay wala siyang magagawa upang mapigilan niya ang galit nitong iyon dahil siya ang dahilan niyon. Ngunit matapang na hinarap niya ito. "Hindi ako kumportable sa masikip na lugar, alam ko rin na alam mo 'yun. Kaya kung may sasabihin ka ay sabihin mo na nang makaalis na tayo pareho sa elevator na 'to—" Mapagparusang halik ang itinugon sa kaniya ni Thorn sa pagkakataong iyon. Masyadong mariin iyon. Masyadong maingay at pasibasib sa puntong nakakaubos na ng hininga, ang mga palad ng bilyonaryo ay mariin din na nasa mga pisngi niya. Sinadyang itiningala nito ang ulo niya nang walang pagsuyo. "Para 'yan sa ginawa mong pambobola sa 'kin. Naniwala ako sa sinabi mong gusto mo lang na makatulong sa pagkawala ni Gianna sa kumpanya ko." Hinihingal na ani nito nang bitiwan ang labi niya. Mabilis lang ang halik na iyon pero dama ni Tangi na tila ba nagkapasa ang labi niya nang dahil doon. Marahas din ang paghingal niya nang bitiwan na rin nito ang kaniyang pisngi. "And this is for your crazy settlement with Acostal!" Pareho pa silang hindi pa nakakahuma sa paghingal at nananatiling sumasagap pa ng hangin na nakakulob sa loob ng elevator na iyon ay kaagad nang hinalikan na naman siya ni Thorn sa mas marahas na paraan. Pumasag siya. Impit siyang kumakawala sa halik na iyon kahit nasasaktan siya't nadadaganan ng buong bigat ni Thorn. Nagpupumilit pa rin siyang kumawala, kung hindi titigilan ng bilyonaryo ang kapangahasan ay pareho silang kakapusin ng hininga! "Thorn… stop—" Sandali lang na pinapakawalan nito ang bibig niya, sinisibasib din kaagad pagkatapos ng ilang segundo! "Thorn! Ano ba?!" Pilit niya itong tinutulak pero wala siyang laban sa lakas ng matipunong lalaki. Ayaw sana ni Tangi, ngunit mapipilitan na yata siyang sipain sa pundilyo si Thorn matigil lamang ito sa ginagawang kahibangan… "Damn you, Tangi," marahas na anas nito sa punong tenga niya. "f**k you for driving me crazy. Damn you for messing with me…" Nabitin sa ere ang pagsasaboses niya ulit sana sa pangalan ng bilyonaryo. Nandilat na kasi ang mga mata ni Tangi sa gulat, naglaho na sa isip ang balak na paninipa nang maramdaman niya ang mga palad ni Thorn na naglalakbay na sa kaniyang mga hita patungo sa pang-upo niya… pagdating doon ay sinira nito ang kapirasong cycling short na suot niya sa ilalim ng maluwang na shirt! Hindi pa ito nakuntento, maingay rin na winarak ang suot niyang panty, marahas din at tila hayok na dinilaan nito ang kaniyang leeg!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD