Hindi basta gusto lang "Sigurado ka ba diyan? Masasaktan ka lang ulit Fionna," nag-aalalang tanong niya. Ngumiti ako ng mapait. "Okay lang. Mas masakit pa rin 'yung nangyari sa amin ni Jerico. Wala ng mas sasakit pa doon," mahina akong natawa. Ngunit umiyak din ng maramdaman ko ang yakap sa akin ni Max. "Napakaiyakin ko talaga oh," pagbibiro ko kasabay noon ay ang paghikbi. "Maggi-give up na naman ako para sa ibang babae, nakakatuwa naman," pagbibiro ka pa. Max caressed my back and my hair. "Shh.. ayokong umiiyak ka Fionna. Hindi ka naman ganito diba?" tanong niya. Mas hinigpitan pa ang yakap sa akin. "Hindi ko rin alam. Siguro nabago ako sa mga nararanasan ko ngayon," sagot ko. Natigil kami ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ni Max. "Anak? Nandiyan ba si Fionna?" narinig namin ang

