PAGKAPASOK ko sa bahay ay rinig ko ang pag-uusap nila Storm at Dad mula sa dining. Kumunot ang noo ko dahil seryoso ang tono nila pareho na para bang sobrang importante ng pinag-uusapan nila. Dala-dala ang paper bag na may lamang pagkain ay dahan dahan akong lumapit sa kinaroroonan nila. “Sigurado ka na ba talaga?” seryosong tanong ni Dad, magkadikit pa ang dalawang kamay niya. Marahang tumango si Storm. “Opo, isang buwan ko na ring nasabi sa’yo ang patungkol diyan hindi po ba?” “Oo nga, pero umaasa kasi ako na baka magbago pa ang isip mo.” “Pasensya na po, pero buo na ang desisyon ko.” “Storm—” “I’m home.” Sinadya ko ang malakas na pagkakasabi nu’n para maiba ang awra nilang dalawa, at gaya ng inaasahan ay agad na naging malambot ang ekspresyon ni Dad. “Hi, Dad.” Lumapit ak

