LINGGO ngayon kaya maaga akong ginising ni Manang para magsimba. Tuwing Sunday kasi, church day lang ang nagiging bonding namin ni Dad dahil after ng misa ay dumederetso na siya sa We Care para sa feeding program na ginagawa nila.
Simpleng white off shoulder dress ang suot ko at black heels. Nakalugay ang mahaba kong buhok at wala akong ibang kolerete kundi ang lip tint na hindi gaanong makapal. Nakasanayan ko na kasi ang hindi mag make up tuwing magsisimba, mas okay kasi ang innocent look at hindi rin naman bagay sa’kin ang makapal na make up.
“Shan, let’s go.” Rinig kong sigaw ni Dad.
Kinuha ko ang sling bag kong itim at agad na nilagay ro’n ang wallet at cellphone ko bago tuluyang lumabas ng kwarto. At halos matumba ako sa gulat nang sabay kaming lumabas ni Storm.
Tiningnan niya lang ako sandal bago nagpatuloy pababa ng hagdan.
Napaawang ang labi ko dahil hindi man lang siya bumati ng magandang umaga at basta basta na lang akong nilampasan na para bang hindi niya ako nakita. Unbelievable talaga ang lalaking ‘yun.
Dalawang kotse ang gamit namin dahil dadalhin ni Dad ang sakanya papuntang We Care at ang isa naman ang maghahatid sa’kin pauwi.
Nasa back seat kami pareho ni Dad at nasa tabi naman ng driver si Storm.
“Wala kayong girls out nila Brianna?” tanong ni Dad habang inaayos ang polo niya.
“Hmm… not sure, Dad. Maybe I’ll just stay at home today.”
Wala naman kasi kaming napag-usapan at tinatamad din akong gumala ngayon.
“You sure? You can go watch movies or shop.”
“Nah. I’m not in the mood to go out.” Tamad kong sagot.
“Okay, princess. Sasama si Storm sa akin sa We Care, ayaw mo bang dumalaw man lang? Ang pagkakatanda ko ay nu’ng 12 years old ka pa ang huling punta mo ro’n.”
Pilit akong ngumiti at umiling. “Next time, Dad. I really wanna stay at home today.”
Totoo naman ang sinabi ko, wala talaga ako sa mood ngayon. Maybe because it’s that time of the month. Masakit ang puson ko ng kaunti at namamanhid din ang binti ko. Kanina nga pagkagising ko ay tamad na tamad akong bumangon at kung ‘di lang malulungkot si Dad ay hindi talaga ako sasama sa simbahan. Irregular ako kaya kapag dinadatnan ako ay sobra sobra ang effect niya sa’kin, to the point na hindi ako nakakalabas ng bahay ng matagal.
“You okay?” nag-aalang tanong ni Dad nang makitang wala talaga ako sa mood.
“Yeah, just cramps.”
“Oh, it’s that time of the month.” Tumango tango pa siya. Hindi awkward sa amin ni Dad ang ganitong usapan pero dahil narito rin si Storm ay hindi na siya nagtanong pa.
Hanggang sa matapos ang misa ay naka poker face lang ako at hindi ko magawang mag react kahit pa maganda ang preaching dahil masakit talaga ang puson ko at ilang ulit din na nag cramp ang paa ko kaya most of the time ay nakangiwi ako. Alam kong pansin ‘yun nila Dad at Storm dahil panay ang lingon nila sa’kin kanina na hindi ko naman pinapansin.
Matapos ng misa ay parang gusto ko nang liparin ang bahay namin at humilata sa kama ko. Ang kaso ay kagaya ng normal na nangyayari, napalibutan pa si Dad ng iilang kaibigan niya at masaya pang nagtatawanan.
Kagat kagat ko ang labi ko habang tamad na nakatingin sa kanila. Ginagalaw galaw ko rin ang binti ko dahil namamanhid ‘yun at para rin hindi ako abutan na naman ng cramps. Halos mangiyak ngiyak ako kanina habang nakaupo at talagang uwing uwi na ‘ko kanina pa.
Hindi ko alam kung nakalimutan ba ni Dad na medyo masama ang pakiramdam ko dahil hindi matapos tapos ang pag-uusap nilang dalawa at konti na lang ay kakalabitin ko na siya.
“Let’s go.”
Nagulat ako nang hawakan ni Storm ang braso ko para igiya ako sa labas.
“Ha? Si Dad?” mahinang tanong ko at nilingon si Dad na busy pa rin sa kausap.
“Ihahatid kita sa kotse, mauna ka na.”
Tumango ako nagpatangay na rin sa kanya dahil gusto ko na talagang magpahinga.
“Do you need anything?” tanong niya habang naglalakad kami palabas.
Umiling lang ako at tahimik na sumunod sa kanya.
Nang makapasok sa kotse ay tiningnan niya pa muna akong maigi.
“I’ll tell your Dad na pinauna na kita. Call him if you need anything.”
Tumango ako sa kanya at tipid na ngumiti. Naappreciate ko ang ginawa niya, I badly wanna go home.
Ilang minuto lang ay nakarating na ‘ko sa bahay. Tamad akong lumabas ng kotse at malamyang naglakad papasok. Wala si Manang sa sala at hindi na rin ako nag abalang tawagin siya. Agad akong dumeretso sa kwarto ko at nagpalit ng pajama bago tamad na humiga at nagtaklob ng comforter.
Tuwing ganitong pagkakataon ay nilalagnat ako pero sana ngayon ay hindi.
“Shan?”
Nagising ako dahil sa mahinang tawag sa akin ni Manang. Nasa tabi ko siya at hinihilot ang binti ko.
“Kamusta ang pakiramdam mo?”
“Ayos lang po.” Napapaos kong sagot.
HInilot niya muna ako ng ilang minuto bago siya nagpaalam na gagawa ng soup para sa akin. Maya maya lang ay halos maiyak ako sa pamimilipit dahil sobrang sakit ng puson ko. Hindi ko alam kung ilang minuto pa akong nagpaikot-ikot sa kama ko bago nawala panandalian ang sakit at tuluyang nakatulog ulit.
Nagising ako ulit dahil sa tunog na galing sa cellphone ko na katabi ko lang. Tamad kong kinuha ‘yun at hindi na tiningnan ang caller.
“Hello?” napapaos kong sagot.
[“Your Dad is asking if you need anything.”]
Sandali akong natahimik nang marinig ang boses ni Storm.
“Wala naman.” Mahinang sagot ko.
[“Okay. I’ll hang up now.”] Aniya at tuluyang naputol na ang linya.
Gusto kong matawa dahil sa naging conversation namin. Nakakaloka talaga ang lalaking ‘yun, hindi man lang ako kinamusta muna bago binaba.
“Shan, higupin mo na muna ito bago ka magpahinga ulit.” Ani Manang.
Ngumiti ako at umupo sa kama ko. “Thank you, Manang.”
“Naku kang bata ka, mabuti na lang at itinawag sa’kin ni Storm na masama raw ang pakiramdam mo. Aba eh hindi ka naman nagsasabi, ni hindi ko alam na dumating ka na pala.”
Natulala ako sa sinabi ni Manang. Tinawagan niya pa si Manang?
Umiling iling ako at inalis ang kung ano mang humaplos sa puso ko. Baka inutusan lang siya ni Dad.
Bumuti ang pakiramdam ko nang mainitan ang sikmura ko, tingin ko ay mamaya maya lang ay maayos na ang pakiramdam ko.
“Oh, heto ang gamot mo at magpahinga ka na ulit.”
Inabot ko ang gamot at ininom din ‘yun agad. “Thank you, Manang.”
Inayos niya ang kumot ko at iniwan na ako sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit, pero nakangiti akong natulog.