Masayang masaya si Sophia dahil mag aaral na siya sa pinapasukan ni Ate Stacey sinamahan siya ng driver..
Nasa tabi siya ng driver at si Stacey ay nasa likuran. Bawal akong tumabi sa kanya kahit gusto ni Ate at ayaw ko rin takot ako kay Senor Oscar.
Habang nasa biyahe ay kinakausap ako ni Stacey ngunit opo at hinde po lang ang sinasagot ko. Ayaw kong makipag lapit sa kanya natatakot ako.
12 years old na ako at si Ate at 17 na napaka ganda niya. Alam kong may gusto sa kanya si Marcus anv lihim kong tinatangi.
Nasa harap na kami ng School at napaka ganda dito pang mamahalin talaga. Ang kwento nga ni Ate Rachele ay ang mga nag aaral daw dito ay anak ng mga milyonaryo.
Anak ng business man katulad ni Marcus tagapag mana ng bilyonaryo. Kilala sa Buong mundo si Marcus Fuego.
Siya ang pinaka mayaman sa magkakaibigan. Lagi nila akong binu bully kaya palagi akong nagtatago sa kanila.
Natakot ako dahil andito sila inaantay nila si Stacey at nakita nila ako nakahawak ako sa damit ng driver.
"Anung ginagawa niya dito Stacey? Tanung ni Marcus bakit nandito ang pangit nayan. Pag aari ko ang eskwelahang ito at ayaw ko siya dito." Sabi ni Marcus
"Hayaan muna wag ka ngang ganyan nandito siya dahil dito na siya mag aaral pumayag si Mama at Papa" Sabi ni Stacey
Ngunit pinalibutan nila ako at tinatawanan kung anu masasakit na salita nila sa akin pinagtitinginan na kami ng ibang students at teacher.
Ng biglang may nagsalita.
Anung kaguluhan ito Marcus? Go to your classes now... Isang magandang babae na nasa 50's na at kamukha ni Marcus.
Nagulat ako Mama pala siya ni Marcus sobrang bait at hinhin niya. Hinawakan niya ako at inaya ako. Siya daw mag your sa akin sa school at wag daw akong mag alala di na daw ako guguluhin ng grupo ni Marcus.
Masayang masaya ako dahil napaka bait sa akin ni Mrs Amari Fuego ang ina ni Marcus. Mapag kumbaba siya di mata pobre.
At duon na nga naging maayus ang pag aaral ko sa Exclusibong paaralan ng mayayaman na pag aari ni Marcus dahil siya lang ang nag iisang anak ni Mrs. Amara at Marion Fuego.
Sa school ako na ang umiiwas sa kanila nag karoon ako ng 3 kaibigan na mga tahimik din kapwa kami mahihirap mga anak ng katulong na pinag aaral ng mga mabubuting amo at kasamaang palad ang mga amo nila ay magulang ng mga kabarkada ni Marcus.
Kaya kami nagka mabutihan dahil pare pareho kaming dukha. hahaha ngunit matatalino naman kami.
Mga mahiyain kami at takot sa grupo nila.
Mga freind ko sa school na sila Aileen, Tintin, Rica.
Nasa canteen kami kumakaing apat ng biglang tumahimik. Napatingin si Aileen at kinabahan dumating ang grupo nila Marcus.
"Sophia tapos kana bang kumain halina kayo at andyan ang grupo nila Marcus baka awayin ns naman tayo. Bilisan nyo or dun nalang tayo kumain sa likod ng campus. Sani ni Aileen..
Napalingon ako at nakita nga sila na naupo sa Favorite spot nila. Sila lang ang puedeng maupo at kumain sa spot na yun.
Sa pagmamadali naming umalis ay nabunggo ni Rica ang anak ng amo niya na si Kenjie at tumapon ang juice sa kanya.
"what the f**k di ka tumitingin sa dinaraanan mooooo..Galit na sabi ni Kenjie hinge naman ng pasenya si Rica ngunit ayaw siyang tigilan ni Kenjie mangiyak ngiyak na siya at kami ay sobrang takot dahil naka tingin na sa amin ang grupo nila. Lalo na si Marcus na ang sama ng tingin sa amin.
Buti nalang at inawat na ni Ate Stacey si Kenjie at pinaalis na kami. "Hey Kenjie tama na yan di naman sinasadya eh..Itigil mo yan.
Sige Sophia umalis na kayo.