Nakapangalumbaba si Gail sa verandah ng kwarto ni Angela habang nakatanaw sa swimming pool. May pinuntahan saglit ang kaibigan at naiwan siya doon. She wondered how is Aaron doing. Ang huling balita niya sa binata ay succesful ang huling project ng kompanya. At ipinagpasalamat niyang hindi nito itinuloy ang balak nitong pagpapakasal. Though hindi niya gustong paasahin angs sarili niya na dahil sa banta niya kaya hindi ito tumuloy sa plano nito. Hindi na siya masyadong nakakabalita rito dahil pareho silang busy ni Angela. Bukod pa sa ayaw niyang nagpupunta sa mansyon ng mga ito dahil umiiwas siya kay Arthur. Hindi niya gustong magpang-abot sila ng binata. Bukod doon ay naging mailap na rin naman si Aaron pagkatapos ng insidente sa library. Kung magpang-abot man sila'y mataktika itong lum

