"Hey, gorgeous!" tuwang tuwa si Ivan nang makita siya. Agad siyang niyakap nito at inikot pa! "Put me down!" natatawang tinapik niya ito sa balikat. Ibinaba naman siya nito pero niyakap pa din siya ng mahigpit. "I missed you so much, Cameron Marie." "I missed you too, Ivan." Hinalikan niya ito sa pisngi. Hinawakan niya ito sa kamay at hinila paupo sa couch. Nasa loob sila ng coffee shop ng mga oras na iyon. Doon sila nagpasyahang magkita dahil malapit iyon sa pinagpa-praktisang gym ng binata. "So how are you?" hindi niya maalis ang ngiti sa mga labi paano ay ngiting ngiti din ito sa kanya. "I am okay. Though I am extraordinaire, nothing exceptional happened when you left. I am still doing the regular stuff before you came into my life. You're the spice on it," pinitik nit

