Kinagat-kagat niya ang kuko dahil hindi niya alam kung pagbubuksan niya ito o hindi. Nagpaparoo't parito siya habang nakatingin sa monitor habang nag-iisip. Malamig naman ang aircon sa condo pero ramdam niya ang pagpapawis niya ng malapot. Muli siyang napatingin sa monitor at kita niyang inip na inip na ito habang nag-aantay sa kabilang dahon ng pinto. Nagdadalawang isip pa din siya kung papapasukin ito ngunit nang makita niyang tila may dina-dial ito sa mobile ay bigla niyang nabuksan ang pintuan! "Hi, Alex!" hindi niya alam kung ngingiti ba siya o hindi. Nag-angat ito ng paningin at ang ngiti nito ay unti-unting nawala ng makita siya. Nag-isang linya ang labi nito at tumalim ang mga mata. Napalunok siya nang ilang ulit dahil sa nakita niyang itsura nito. "What are you doing h

