"You're up early, Cam," nalingunan niya ang ina na kapapasok lang sa kusina. "Yes. I am planning to run this morning, Mom." Nginitian niya ito. "With you and Dad." "That's wonderful!" napapalakpak ito dahil sa narinig sa kanya. "Your father will be delighted for sure." "To whom do I owe this morning surprise?" napatingin sila sa ama na ngiting ngiting pumasok sa kusina. "Dad naman eh!" lumapit siya at yumakap dito. "Hindi ka ba masaya na sasama ako sa inyo ni Mommy na mag-jog?" "Syempre masaya. Nakakagulat lang," hinalikan siya nito sa tuktok ng ulo. "Sanay ako na nagigising ang prinsesa ko ng tanghali." Sabay ngisi sa kanya. "Dito lang naman ako ganyan, Daddy. Sa US maaga akong nagigising," pagtatanggol niya sa sarili. "I am just teasing you, Love," kinurot siya nito sa

